Wednesday, October 3, 2007

Why Medz Don't Want A November Birthday To Our Second Child

Medz is exactly on her 34th week of pregnancy. And in about a month... I am a Daddi again to a new baby which according sa masungit na si Dra. Medina eh girl daw. But it won't matter much to me kahit na girl sya. Kasi nga I am wishing na sana eh 'dayunyor' ang aming second child. Basta healthy and normal at out of danger ang mag-ina ko... oks na oks na sa aken 'yun. Mediocre that it may sound pero what can I do its just the truth. Yun ang nararamdaman ko at 'yun ang dapat ko talagang maramdaman.

First week of November ang expected delivery ni Medz ng aming second child. Nag-uulan ngayon so malamang eh "November Rain Child" 'yun. Pero ayaw ng paabutin ni Medz ng November ang tiyan nya. She wants the doctor to ripped-off her tummy bago sumapit ang November. Her reasons why she wants it that way:

Una. Hirap na daw sya sa tyan nya. Bigat na daw. Taba kaya nya! Mabuti na lang hinde nagbubuntis ang lalake. Bang-hirap kaya!

Pangalawa. Iwas labor pain. Baket pa raw nya hihintayin ang sakit na dulot ng pagle-labor kung pede naman daw maiwasan. Agahan na lang daw ang paghiwa ng tyan nya. Tutal ceasarian operation din naman sya sabi ulet ni Dra. Sunget. Actually she has a point noh!

Ang Pangatlo at ang pinakamalupet. Natatakot daw sya na baka bigla sya mag labor ng November 01, Araw ng mga Patay! Ayaw daw nya nun. Ang panget daw ng magiging birthday ng anak namen... "Araw ng mga Patay!".

Nung una ayaw ko pumayag na 'pabiyak' na sya sa last week ng October. Pero nung malaman ko 'yung pangatlong reason nya... hehehe... na-convince ako na dapat nga manganak na sya ng October!

Friday, August 31, 2007

Today, Friday Is Not My Final Day Of Work For This Week

It's Friday today and it's 6:45pm na. Nah! I am not home yet nor I am in an internet cafe. Yeah you're right... I am still at office doing something na i-dinictate the work ko. Don't you think how powerful my job is? So powerful that it can dictate my life. Grabe!

Matagal-tagal na rin akong hindi nag-o-overtime. Sobrang tagal na kaya hindi ko na maalaala kung kelan ba 'yung huling time na nag-OT ako. Pero ngayon... kailangan kong mag-OT. Kailangan dahil sabi ng trabaho ko mag-OT ako. Masyadong malakas ang pwersa ng trabaho ko kaya napilitan akong mag-OT. Masama man sa loob ko... pero wala akong magagawa kailangan ko talagang mag-OT. Otherwise... kutos ako sa boss ko!

I should have been sitting comfortably dito sa desk ko kung na tsek ko lang na Oks na at wala ng problema sa routing sa system ng process ko. I failed to do the checking kasi... hindi ko alam kung ano ang i-tse-check ko eh. But kahit anong sabihin ko... kasalanan ko pa ren. Hindi ko pa ren na-tsek yung mga bagay-bagay na hindi ko alam kung paano at ano ang i-tse-check. Magulo di ba. Tumpak! Sakto! Magulo nga... kaya nga kailangan kong mag-OT. Dahil sa sobrang gulo ng buhay trabaho ko. Nakakalito. Hilo na ako. Pero kahit ano pa... kaya ko pa rin ito. Ayaw kong magpatalo. Lalaban pa rin ako. Lalaban pa rin akong... nag-O-OT! Pa good shot muna sa boss para sa kapal-pakan ko kanina. Pa-good shot muna.

Bukas nga, Sabado, papasok pa rin ako eh. Tsaka na lang makabawi 'pag malamig na ang simoy ng hangin. Hehehe. Syempre kailanagan din bumawi... ano ako si Martir Nievera?

Thursday, August 30, 2007

Finally... I Am Back Into Blogging

Haayyy salamat! After numerous tries I finally made it... nakakalog-in na ako sa blogspot account ko. Which means... pwede na ulit akong magblog! Hehehe.

First week of July pa yung last blog entry ko dito. And I did it when I was in GDL, MX. It was made possible kasi hinde ko PC and gamit ko. I was using other laptop... kaya ako nakalog-in. Pero kung PC ko ang gamit ko... ay naku kahit anong gawin ko kahit ilan tries ang gawin ko kahit magtutuwad pa ako... alang epekto. Hinde pa ren ako makalog-in sa blogspot account ko.

I do not know what went wrong. I do not why it went wrong. I tried everything to fix it... pero all in vain. Suko na ako... ayoko na... alang ng pag-asa 'to... hinde na talaga ako makapagbubukas ng blogspot account ko dito sa PC ko. That was two months ago. Dalawang buwan ko na isunumpa ang PC kong ito. Dalawang buwan ako masama ang loob dito sa PC ko. Dalawang buwan din kaming nag-iirapan nitong PC ko. Hanggan dumating ang ngayon...

Kaninang umaga dahil miss ko na ang magblog nagtry akong buksan ang blogspot account. OMG! Nangyare ang hindi ko inaasan. Feeling ko bumuka ang langit. Lumabas ang napakaputing ilaw. At buhat sa siwang ng langit ay naglabasan ang napakaraming puting kalapati. Napakasarap ng feeling. Parang... parang kukunin na ako ni Lord!

Sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang dalawang buwan na pagkaburo... nakapagbukas din ako ng blogspot account ko. At isa lang ang ibig sabihin nito... pede na ulit akong magblog. Hehehe. Salamat naman.

I do not know what happen. Wala naman akong ginawa to fix tong PC kong mahal. Sumuko na nga ako di ba. Pinabayaan ko na nga sya di ba. Ayaw nya saken edi ayaw ko din sa kanya. Pero kung ano ang dahilan bat naging ok na sya... ehhhh talagang di ko alam. But who cares! As long na pede na akong magblog ule sa PC ko.... hinde ko na kailangan ng alamin pa ang reason kung paano sya naging ok. Ganun naman talaga minsan ang buhay eh! May mga problema na kahit anong pilit nating solusyunan... hindi naten maayos. Pero meron din naman mga problema tayo sa buhay na maski hindi natin solusyonan... nagigising na lang tayo isang araw na solve na sya. Ikaw SOLVE ka na ba?

Saturday, July 7, 2007

JULY 11, 1305 MONDAY I'M BACK

Its July 06 here in Guadalajara, Mexico... Friday. Last day of work week... Last day ko na rin ng training... Hayyy salamat natapos din ang napakahabang isang buwan na training. Malapit na akong umuwi sa pinas... ilang araw na lang. Miss ko na si Medz at si Ate... miss ko na ang lahat sa pinas!

July 09, Monday, 1135pm ang flight ng eruplano namen from Guadalajara papuntang Tijuana then to Narita then to Manila. Siguro mahigit sa isang buong araw ang byahe ko bago ko ma experience uli ang trapik sa EDSA... ang kwek kwek sa kalsada... ang shuttle ng Magallanes... ang HICAP... ang sinigang, adobo, dinuguan, bibingka.... at syempre ang pamilya ko. Konting panahon na lang mayayakap ko na uli kayo. Konting panahon na lang... mahahalikan ko na uli kayo.

Kung July 09 ang alis ko dito sa Guadalajara... July 11 naman ang dating ko sa pinas. Mathematically speaking... dalawang araw ang byahe ko... pero actually mahigit isang araw talaga! Paano nangyari yun? Its because habang bumabyahe kame nakikipagunahan kame sa araw... and since na mas mabilis ang eruplano kesa sa araw... kaya ganun... basta ganun yun. Malay nyo tama!

Friday, June 29, 2007

"DADDI POGI!"


Natupad na rin ang panagarap ko... ang makasakay ng airplane. All courtesy of my company... hehehe. Kasi kahit anong gawin ko sa buhay ko hangga't nandito ako sa kumpanyang ito... hindi ako makakaalis ng bansang Pilipilinas on may own money. Magkano lang ba ang kinikita ko sa kumpanyang ito? Never a way I can afford to fly on my own... hangga't nasa HItachi ako! Gets?


Pero madalas nalulungkot din ako dito sa Mexico. Though marami kaming engineers na pinadala dito for a 2 months training eh... eh nakakalungkot pa rin. My most saddest time here eh nung first time na nakachat ko si Medz. As usual we were exchanging hellos and his. Kwentong masaya dito... kwentong masaya duon. Kwentong PBB dun... kwentong mehikano naman dito. Then came yung kuwento nya about my Adi.


Kwento ni Medz... pag daw may dumadaan na eruplano sa tapat ng bahay namen... Adi will always scream saying "Daddi pogiiiii!!!". Always daw na ganun ang ginagawa ng anak kong mahal whenever a plane pass by. Upon hearing that... i just felt some tears flowing down my cheeks... coming from both my eyes. Nakakaiyak! I felt really helpless that time. Parang I want to say something sa anak ko to let her know na naririnig ko sya para mabawasan yung pagka miss nya saken. Maski nga ngayon na ginagawa ko tong blog na to... parang naiiyak na naman ako. Miss ko na talaga ang mag_anak ko.


The next time na nag email saken si Medz... she was saying that ikiwento daw nya ke Adi na nagkachat kame and sinabi daw nya sa aken yung ginagawa nya pag maydumadaan na airplane sa tapat ng bahay namen. And ang sabi daw ni Adi, "Sinabi mo ba Mommi na Daddi pogi ang sabi ko?". Umuo naman si Medz. Tapos sabi daw ni Adi, "Kala ko Daddi lang ang sabi mo eh... hindi sinabi yung 'pogi' eh.". Kakaiyak talaga!

Saturday, June 16, 2007

Trajeta de Puta

Martes nuon. Tandang tanda ko. Pangalawang araw ko na ng training dito sa Mehiko. Pauwi na ako sakay ng Ford F150 na puti. Na mimaneho ni Senior Jorge. Kasama ang walo ko pang mga Pilipino na nagte'training den.

Walang masyadong kakaiba sa byahe namen. Paminsan minsang trapik sa bawat intersection na dinaanan namen. Mga lumang sasakyan... mga bagong sasakyan... mga square na bahay na gawa sa bricks... mga malalaking itim na ibon na nagkalat sa tabi ng kalsada... tugtog ng Mariachi from Senior Jorge's cassete tape na nagustuhan na rin namen... si Bodgie na as usual tulog na naman sa unahan ng sasakyan. It was a normal drive. Nothing different... no unusual things happening.
Until biglang... nagsalita si Senior Jorge. Sunod sunod ang salita. Espanyol. Hindi namen maintindihan. Syempre nagulat kame. Lalo kaming nagulat nung pilit na ginigising si Bodgie. Napabalikwas si Bodgie.
Huh! Tingin ke Senior Jorge... "What... what happen!".
Tinuro ni Senior ang bintana. Buksan daw ni Bodgie. Sunod naman si Bodgie. Maya maya may nag abot na lalake ng mga limang tajeta(calling card). Kunin daw ni Bodgie sabi ni Senior Jorge. Maski medyo na wi wirduhan abot naman ang Bodgie. Pag kaabot ni Bodgie ng tarjeta sabay tingin... tapos napangiti... tapos tumingi sa amin... lalong napangiti. Inabot naman ni Bodgie sa amen yung ibang tarjeta. Tingin agad kame pagkaabot namen. Napangiti rin kame. Nakakangiti naman talaga eh. Sige tingnan nyo!


Friday, June 15, 2007

GUSTO KONG SUMAKAY NG AIRPLANE

At this very hour eh nasa Guadalajara, Mexico ako. Not in Mexico Pampangga but in real Mexico sa labas ng Pilipinas. I am here not for pleasure or what, sana nga, but for mere training purposes. I was one of the many Hitachi Phils. employees na na assign na mag train dito sa HItachi Mexico. Magko close shop na kasi ang planta dito at sa Pilipinas na ililipat... kaya kami nandito is para turuan ng mga Mexicano kung paano nila ginagawa ang trabaho nila dito.

Given that premise... medyo, actually nagda dalawang isip ako kung tutuloy ako dito sa training nato o hinde. Mahirap na... eh kungkuyugin ako ng mga balbas saradong Mehikano dito dahil inagawan namin sila ng trabaho. Hirap na noh! Bumyahe pa ako ng mahigit sa 24 oras para lang pabugbog sa mga pizza at taco lovers na mga Mehikano. Ano ako hilo! Dios Mio!

Ang ending ko... eto ako na sa Mexico... nagte training... para agawin ang trabaho ng mga Mehikano. What happend... what makes me choose na makuyog ng mga mestizos at mga mestizas... simple lang... "GUSTO KONG SUMAKAY NG AIRPLANE!". Ma experience naman... ano ba kayo!

Wednesday, April 18, 2007

Medz Is Pregnant To Our Second Child

Come Nov 14 of this year I'll be a father again. Yup! that's right... ate na talaga si Adi. And this time sana boy naman ang maging next baby namin ni Medz. Besides Adi wants that it'll be a boy. In fact may name na nga na nakahanda si Adi if it'll be a boy eh... "Pogi J. Sumulong". That's what she wants her bro to be named of. I don't know where she got that name pero one thing is for sure kahit ano ang mangyare ayaw ko nung name na yun. Maski nickname, ayaw ko pa rin nun. Baduy. Hmp!

It's been a month na siguro since Medz and I confirmed na we'll be having another baby this coming Nov 14. May pasok ako sa opisina when she did her check up sa new(?) OB nya. And it was positive... buntis nga sya!

We where supposed to be together for her check-up that Sunday pero sa dinami-dami ng clinic and hospital na puntahan namen... walang available na OB nung Sunday na yun. And worst hindi lang pala nung Sunday na yun walang OB. Lahat daw ng Sunday walang OB. Walang OB ang mga Hospital on Sunday? Sobra naman yun. Pano na kung may emergency? Eh pag ganun case daw pede daw nilang tawagan ang OB nila. But on normal operations wala raw talagang OB pag Sundays. Ganun? Talaga lang ha!

Okay sige since wala kaming nagawa ni Medz napilitan kaming tanggapin ng maluwag sa aming puso na walang check-up na mangyayare nung Sunday na iyon. Hayyy! Ang ending namin... Jollibee! Happy si Adi, hehehe.

Medz was alone the next day(Monday) nung nagpa check-up sya sa OB nya. She needs to know kung buntis sya para makapag notify sya sa SSS as early as possible para sa kanyang maternity claims and other chuvaness. Medyo na guilty nga ako eh when I got home from work that day. She was telling me the results of the test and her being pregnat nga na hindi ako kasama all those time na nasa OB sya. Parang feeling ko that time I am damn good only sa 'dyug-dyugan'. Pero nawala din naman kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganun. I know myself men. Kaya madali kong na overcome yung thinking na yun.

Today, six(6) weeks and three(3) days old na ang baby namin nina Adi sa tummy ni Medz. Nahihirapan lang nga ako. Maski hindi ako ang naglilihi ako naman ang laging nauutusan ng naglilihi. Bili nito, bili noon. Punta dito, punta doon. Hanap dito, hanap doon. Hayyy buhay. Nakakapagod den no! Iniisip ko na lang na mabuti na yung ganun kesa naman sa ako ang mabuntis... mas mahirap yun!

Tuesday, April 17, 2007

Adi Has Graduated On Top Of Her Class

Last March 31, Sabado yun, grumadweyt na si Adi. Yes you heard it right finally nakapagpagraduate na ako ng anak! Sarap naman. Congratulate me naman.

Five(5) years old na si Adi and she just finished her Kinder schooling. Sa wakas bakasyon na at ibig sabihin bakasyon na rin ako sa gastos sa eskwela. Sobra naman kasi yung school nina Adi eh. Every month may activity. And every activity would only mean one thing... GASTOS! Oks sana kung malaki ang sweldo ng accounting supervisor kong asawa(si Medz). Eh ang kaso mas malaki pa ata ang sweldo ng staff nyang medyo matagal na sa kumpanya nila. Tama ba iyon? Bisor ka pero mas malaki pa ang sweldo ng staff mo kesa sa sweldo mo. Kailan kaya magigising sa katotohanan ang mga taong may mga power na magbigay ng mataas na sweldo na dapat... as in DAPAT, kahit ano pa man ang dahilan meron available dapat... eh laging mas malaki ang sweldo ng isang bisor compare to her staff. Maski piso pede na yun basta masabi lang na mas malaki ang sweldo ng bisor sa kanyang mga staff. Sana mainitindihan nila yun.

Balik sa graduation ni Adi. Kahit pa sa kinder lang grumadweyt si Adi iba pa rin yung feeling namin ni Medz nun eve at nung araw mismo ng graduation. Feeling ko, napakalaki na ng achievements ko bilang tatay. Parang feeling ko sa college na gagraduweyt ang anak ko.

The school ask the parents to be dressed in formal attire. Kaya kami naman ni Medz sumunod. Slacks and polo ako, slacks and formal blouse naman si Medz. Eh namputsa ng dumating na kami sa site ng graduation... ang mga hinayupak na parents ng ibang graduates mga naka jeans and casual t-shirts lang. Pede pala pinahirapan pa kami ni Medz. Nagastusan pati ako sa pagbili ko ng pink-floral na polo para may magamit ako sa graduation ng anak ko. Mahal pa naman yun. Mabuti na lang at nabawasan ang inis ko ng iaabot na sa amin ni Medz ang programme ng graduation. We were quite surprise nung makita namin na na kasulat sa programme, sa tapat ng pangalan ni Adi ang, "Nadinne J. Sumulong --- Kinder Gold Medalist and Best in Writting". Parang biglang lumiwanag ang paligid ko. Parang biglang lumamig ang simoy ng hangin sa paligid ko. Yung inis ko kanina sa mga naka jeans at casual t-shirt na mga parents ng mga graduate eh biglang nawala. Napalitan ng lihim na ngit ang labi ko. "Ayos ang galing mo... anak ko!"

But actually to tell you frankly, medyo inaasahan na namin ito ni Medz. We were quite sure na Adi will be an awardee come her graduation day. What surprises us really is yung pagiging gold medalist nya. Ang alam kasi naman sobrang mahiyain si Adi. And we thought that this would make her not to get the top spot. Pero iba ang nangyare. At gusto namin ni Medz Ang nangyare. Hehehe.

Im Back... For Awhile

Been away for quite awhile not because I am busy. In fact hinde nga ako busy eh. All those days na nawala ako ng matagal hindi ko nakalimutan ang mag blog. Pero the more ata na gustuhin ko na mag-blog, the more naman na ayaw magwork sa PC ko na ma-open ang blog account ko. I dont know whats wrong. Pero ba't naman if i use others PC... naoopen ko naman. Asar talaga... yan ang tunay na pang-asar ng buhay.

Marami nang nangyari na hindi ko na i-blog dito since nung time ng huli kong post. I'll enumerate it muna and then pag may enough time ako para makasingit sa PC ng mga busy ko officemate... tsaka ko na lang ie-elaborate ang mga kwento behind.
una: graduate na si adi. sarap ng feeling maski kinder pa lang sya.
pangalawa: honor student si adi. she topped her class. clap!clap!clap! eto talaga ang mas masaya ang feeling.
pangatlo: buntis si medz. yeah right, you heard it right! after so many tries... nakaboo rin and sana boy naman. but i have this feeling na boy yun.yan ang sobrang saya ng feeling.
pang-apat: nalipat na ako ng dept. from production planner... process engineer na ako. eto hindi ko alam kung masarap amg feeling.
pang-lima: hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng exit party from my ppic family, but to no avail. mga gago sila. ako lang ata ang hindi bingyan ng exit party.
pang-anim: im going to mexico. hindi sa pampangga ha... sa guadalajara, mexico. i'll be training there for two months. sana walang maging aberya.
pang-pito: pang-asar ang muka ng kasama ko sa training. ma-epal.

yan muna for now alis na uli ako. punta muna ako sa line training ko sa production. makakasama ko na naman ang la-epal kong kasama sa training. pang-asar!!!!

Tuesday, March 20, 2007

I Really Missed Bloggin'

Its been a while since nung last entry ko. Ang suspect... itong IT dept ng cumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Bullshit!

Balik uli ako... pag may time. Dumating na tong kaopisina ko. Gagamitin na nya PC nya. Nakisingit lang ako. Bwiset!

I really missed bloggin'.

Tuesday, March 6, 2007

Mga Airsoft Gamers: Kailangan Natin Ng Bading

After pala makabili ng beng beng, na sobrang mahal, eh hindi pa pala duon natatapos ang gastos. Kahit anong kati ng daliri ko na paputukin sa 'battle field' ang beng beng ko, hindi ko pa rin pala magagawa. Kailangan ko pa palang bumili o magpagawa o dumilihensya ng mga gamit para hindi ako maaksidente sa paglalaro(protective gears).

Una sa listahan ay ang, Protective Mask. Hindi naman kailangan na high-end mask ang mabili ko. Maski yung china made pero enough para matakpan ang buong mukha ko kasama ang mata laban sa BBs ay okay na. The cheapest model out in the market is around 500 to 600 pesos. Mura na 'yon hah!

Pangalawa sa listahan ay ang, Protective Vest. Hindi naman ito 'yung bullet proof vest pero sort of like that but lighter material lang ang gamit. Low end type will cost around 450 to 600 pesos. Malaki na ren for a poor guy like me.

Pangatlo sa listahan ay ang, Rifle Sling. Actually kung okay lang sayo na bumuhat ng napakabigat na baril for a long period of time oks eh lang na wala nito ang baril mo. Pero sa kagaya kong tamad magbuhat ng mabibigat i need this thing for 300 to 400 pesos.

Pangapat sa listahan ay ang, Rifle Carrying Bag. This will cost around 600 to 1000 pesos. Kailangan ito except kung okey lang sayo na laging naka carton box pa ang beng beng mo pag tina-transport mo from your house to the site and vis-a-vis. Uto-uto lang ang gagawa nito.

'Yan lang 'yung mga immediate needs para makalaro ka. And that alone would cost you around 1850 to 2600 pesos. Hindi pa kasama dyan ang BDU(upper and lower uniform), knee and elbow caps at iba pang bling bling. Siguro if I'll by it lahat baka kailanganin ko pa ng more or less 6000 pesos pa. Hayyy sakit sa bulsa! Talaga! Magaglit na nito si Medz pag nalaman na ganito pa ang gagastusin ko.

Pero para makatipid at mapagkasya ang maliit kong budget magpapagawa na lang ako ng bag, vest and sling dito ke Bading. Sya yung gumagawa ng mga bags and holster ng cellphone dito sa Taytay. Pero sabi nya marami na rin daw ang nagpatahi sa kanya ng mga gamit para sa airsoft. Hindi ko lang alam kung totoo o nagpapa-impress lang tong si Manong Bading. Kay Manong Bading gagastos lang ako ng 870 pesos para sa customize kong riffle carrying bag, protective vest at 3pt. rifle sling.

Malaki talaga tulong ng mga bading sa ating bansang Pilipinas. Kaya mahirap isipin kung ano na ang mangyayari sa ating Arts and Culture pag ala ng bading sa ating bansa. Mahirap di ba? Eto nga ngayon eh pang-militar na rin sila. Paano na kaming mga airsoft gamers na kokonti ang pera kung walang bading sa Pilipinas o maski sa Taytay? Paano na?

Monday, March 5, 2007

My First M4 Carbine Experience



The date was March 03, 2007... Sabado. Wala akong pasok. Pero pwede akong mag-OT para maraming sweldo. But I opted to stay home. I have a mission... an operation to finish. A gun deal. Yeah, I am in for a gun.


The original plan was for me and my two(2) or three(3) other cousins to go to the site, meet with the gun dealers, get the gun(s) on an aggreed price by both party. Early morning was the planned time of the departure from our meeting place. Pero nagkaroon ng aberya. Hindi nakarating on-time si JC(cousin) sa meeting place namin. Medyo kinabahan kame baka may nangyari na ikakadiskaril ng lakad namin.


Delikado man, pero lakas loob namin pinuntahan ni Ryan(cousin) si JC sa bahay nya. Marami ng tao sa bahay nina JC. Nandoon yung mga mananahi nila, ate nyang si Katleen kasama si Nicole(anak ni Kathleen) pati na rin ang Madi at Padi nya eh gising na rin. Turuan muna kami ni Ryan kung sino ang tatawag ke JC. Since matanda ako, ako ang nanalo. Si Ryan ang tumawag ke JC, "Carlo! Carlo! Carlo!". Lumabas ang tita namen, tulog pa raw si JC. Kapal-muks nato, inaakyat namen si JC sa kwarto. Tulog nga!


Hindi pwedeng hindi sya kasama kaya ginising namen si JC. Isa sya sa mga makikipag-deal eh. Kakauwi lang daw nya galing sa night shift work nya. Pero hindi pa rin sya nanalo sa kulit namin ni Ryan. Kahit walang tulog... napilitan syang bumangon at maligo, sabay bihis at start ng pick-up truck nila.


11:30 na ng tanghali kami nakaalis ng Taytay. Sobrang trapik ang papuntang Divi. Sobrang init pa. Wala na atang planong lagay ng aircon tong pick-up ng tita ko eh. Pasado alas-dose na ng tanghali kami nakarating sa Divi. Kasama nga pala namin si Mac, utol ni Ryan. Inutusan kasi ng Nanay nya. Bumili daw sya ng tela para sa kurtina na order sa Nanay nya. Sa malas naman, yung isang design ng tela eh ubos na. Walang stock!


Pagkatapos namin bumili ng tela na kukurtinahen... punta na kami sa 168. May isang dealer dito na dinaan kami para magtanong ng presyo ng baril nya. 3.5K per unit kung tatlo(3) ang kukunin namin. Oks na to, mura na sabi namin sa rili. Sinabi namin na babalikan namin... kakain lang kame sa taas. Gutom na talaga kami eh, lalo na ako. Pagkatapos namin kumain ng pinakamurang pagkain sa food court hindi muna kami bumaba para kunin yung 3.5K na baril. Nagpunta naman muna kame sa isa pang dealer ng mga baril... sa Bodega mall.


Luma na ang building ng Bodega Mall at hindi na gumagana ang escalator. Pero in fairness may guardya naman, masungit nga lang. Eto yung pink na building katabi ng Divisoria Mall. Akyat kami manually(sira ang escalator) sa 2nd floor kung saan namin makikita ang dealer na hinahanap namen. Nakita kita naman namen but unfortunately, nagtaas ng presyo ang mga mokong. Nung lang isang Sabado na magtanong kame 3.8K lang isang unit ngayon 4.2K na. Ano sila sinuswerte. Gago ba sila. Umalis nga kami. Balik kami sa 168 para kunin na yung 3.5K na inalok sa amen bago kami kumain.


Pagdating namin sa 168 sinabi ko agad dun sa tindera(si Janice) na kukuha ako ng dalawa(2) at 3.5K isa. Medyo kumunot ang nuo ni Janice. Ang akala daw nya tatlo(3) kukunin namen kaya 3.5K nya ibinibigay ang isa. Eh sabi ko umatras yung isa eh(si JC) next week na lang daw sya. Sandali lang daw itatanong lang daw nya ke 'ate', sa amo nyang instik. Matagal nag-usap ang mag-amo. Paminsan-minsan tumutingin sa amin 'yung dalawang mokong. Hindi nga lang namin alam kung baril pa ang pinag-uusapan nila o pinaplano na nila kung paano nila kami mare-rape.


Maya-maya eto na ang Janice, medyo malungkot ang mukha. Tila nakiki-simpatya sa masama nyang balita na sasabihin sa amin, "Hindi pede ng 3.5K. ayaw ni ate, 3.8K daw." Medyo umalma kame lalo na ako. Eh kaso wala daw syang magagawa, ang alam daw nya kasi eh tatlo ang kukunin namin eh. Maya-maya lumabas 'yung intsik sa cubicle nya. "Ate, 3.5K dalawa kukunin namen.", bungad ko ke intsik. "Inti pete... 3.8K lang." sagot ng beha. Medyo matagal ko rin niligawan yung intsik hanggang sa mapa-OO ko sa 3.7K at nakuha ko rin yung 400pesos nyang BBs ng 300pesos. So bale, sarado apat na libo(4K) ang bili ko sa baril kasama ang isang kilong BBs. Walang patawad talaga mga instik dito sa Divisoria.


Habang kinukuha yung baril sa isang tagong warehouse eh tanong-tanong naman kami ng ibang gamit na kailangan namen sa paglalaro ng airsoft. Vest at mask lang ang tinanong namen kasi sa mahal pala ng lintek na mga iyon eh... tila nauubusan kami ng lakas sa bawat sagot ng presyo ni Janice. Buti na lang at dumating si Sunshine Cruz, nangangampanya para sa asawang si Buboy(para Senador). Maganda ang asawa ni Buboy. Sobrang liit ng mukha, maputi, matangkad at ang mga kamay sobrang papayat. Kaya nga nung kamayan ko eh binitawan ko agad. Feeling ko kasi madudurog ko yung mga buto sa daliri nya. Ewan ko ba kung anong espiritu ang pumasok saken at sukat ba naman na pagkatapos kong bitawan ang kamay ni Sunshine ay bigla kong naitanong na, "Saan si Cezar?". Hehehe gago talaga ako. Eh mas gago naman si Sunshine sumagot naman. Nasa ibang lugar daw at nangangampanya ren. Hay naku talagang dito sa Pinas hindi na bago talaga ang gaguhan. Kahit sino marunong ng mang-gago. Lalo na yang mga pulitikong iyan. Bwiset!


Pagkalagpas ni ng asawa ni Buboy dumating naman ang shipment ng mga baril namin. Excited kame na makita ang laman sa loob nung dalawang kahon na dala ng pawis na pawis na kargador nila. Inabot ng isang lalaking maiitim na mataba yung dalawang kahon na brown. Binuksan nya yung isang kahon. Namputsa... napa-nganga talaga ako sa nakita ko. Putsa... itim na itim na mahabang baril ang nakita ko. Kunuha ng maitim na baboy ang unit. Nilagyan ng BBs yung magazine. Ipinasok ang magazine sa baril. Inilagay din yung batterya. Tapos pinaputok. Yeah men, hanep talaga. Lalo akong napa-nganga. Sinubukan ko yung unit. Pinaputok ko. Bratat!tat!tat!tat!tat! Putang-ina... hihimatayon ata ako. I love this gun. Akin na 'to. Hehehe. Bwahahaha. Nagpaputok rin si Ryan kaya lang imbes na yung kahon ang tamaan yung mga display na palstik na baril ang inulan ng BBs. Kaya nung ilabas yung isa pang unit ako na lang ang nagpaputok. Ayaw na ni Ryan, nanghihina raw sya. Nanlalambot daw ang tuhod ng mokong.


Pagkatapos namin magbayad at pagkatapos na pakatapos mailagay sa plastik na supot ang mga baril kinuha agad namin ni Ryan yung unit namin. Tag-isa kami ng dala. Mabilis ang lakad namin. Lakad-takbo. Takbo-lakad. Mahirap na baka me umagaw pa eh. Hanggang sa makarating kami sa pick-up ni JC. Sakay agad kame. Kailangan makauwi agad. Nangangati na ang mga kamay namin. Pagpapaputok lang ng baril ang gamot dito. Sigurado yun.


Simula nung Sabado ng una kong paputukin tong baril ko hanggang ngayon, ganoon pa rin ang feeling ko. Sarap ng pakiramdam. Parang gusto ko laging ko kasama ang baril ko. Lagi kong hinihimas-himas. Mayat-maya kong pinapaputok. Isa na lang ang hinihintay ko... ang araw kung kelan ko makakasama sa 'gera' ang baril ko. Kaya kailangan magkapera na ako at ng makumpleto ko na ang combat gears ko at ng masubukan ko naman ang tatag ng baril ko. Mamayang gabi pag-uwi ko... papaputok uli ako. Hehehe.


Friday, March 2, 2007

Spelling Can Spell Math. But Can Math Compute Spelling?

Last week was a week of contest sa school nina Adi(Mother of God Learning Center). The first half of the week was for the Sports Competition. While the remaining half of the week was for the Academic Contest. Don't you think that's it too hectic schedule for kids ages three(3), four(4) and five(5)? But who cares. The kids finished the week without any questions heard.

As expect my daughter Adi, didn't played or finished any games in the Sports Competition. I was there pa naman(umabsent ako) nung last day ng competition para magbigay ng moral support. Kaya lang, what my Adi did in the entire affair was just to sit down hanggang matapos ang mga games. Kanino kaya nagmana ang anak kong ito? Since hindi maganda ang performance ni Adi sa Sports kaya I thought of making sure na dapat sa Academic Contest mag-champion sya. And with my humbling pride, let me tell you this... kayang-kaya ito ng anak ko. 100% sure ako dun. Huh!

The teachers were the ones who chose kung anong subject lalaban ang isang estudyante. I know Adi will be fielded-in sa Math. She excels in that subject. I should know. Then dumating na nga yung news na Adi will be competing sa Math(as expected) and Spelling contest. Ni-review namin ni Medz si Adi sa Math and the way it looks mukang malaki ang chances ng anak ko na mag-champion. Masyado kaming na-obsessed ni Medz sa Math, kaya medyo konting time lang ang maibigay namin review sa spelling for Adi. Pero oks lang 'yun sabi namen ni Medz. Mas importante ang Math kaysa sa Spelling, sabi namin ni Medz. Nagsimula at natapos ang contest na wala man lang naikwento si Adi sa amen. Basta ang sabi nya, nasagutan daw nya lahat ng Math. Okay, sige... no more questions ask. At least, we know nasagutan ni Adi lahat sa Math.

Last Wednesday 'yung awardings ng mga winners, both sa Sports at sa Academics. Si Medz ang sumama ke Adi sa affair. Siguro gusto nyang sya magsabit ng Math medal ke Adi. However, it turned out na walang Math medal si Adi. Kung paano nangyare 'yun hinde namin alam up to this point. Baka na over sa review ang anak ko. Pero may nakuha naman si Adi na award. She bested all the other kids sa Spelling contest. Yes its true. Adi won in the spelling contest. Paano nangyare iyon? Up to this point hindi rin namen alam ni Medz. Pero mabuti na 'yun kesa sa wala.

Such things always happens to us. What we expect to come don't come, instead those that we least expect to come do come. Gulo ng life no? Parang buhay. Lagi din akong biktima ng ganitong pangyayare nung college pa ako. Madalas 'yung ine-expect kong mga subjects na ipapasa ko 'yun naman yung binabagsak ko pag bigayan na ng grades and vis-a-vis. Okay lang sana kung konti lang yung ine-expect kong ipapasa kong subjects eh, kaya lang always... lagi kong ine-expect na ipapasa ko ang lahat ng subjects ko. Maski walang basehan. Yabang lang ba! kaya ang ending laging bagsak ako sa mga subjects ko.

Thursday, March 1, 2007

Bumilis Kaya Ang Time?

March 1 na pala. How fast time flies. Parang kahapon lang kasisimula ko lang mag-blog, ngayon eto naka-isang buwan na pala akong masayang nagbla-blog.

If you really enjoy doing something, you really won't notice na marami ka na palang nagawa.

Pero 'pag inaatay mo ang oras... aysus asahan mo parang lalong tumatagal ang pag-aantay mo. Like ako ngayon. Dahil sa malapit na akong magkaroon ng sarili kong baril(airsoft), parang sobrang tagal dumating ng Sabado. The more I waited, the more na it seems na lalo lang tumatagal ang paghihintay ko.

'Wag ko kayang antayin ang Sabado... bumilis kaya ang time?

Wednesday, February 28, 2007

Masarap Mangarap 'Pag Alam Mong Matutupad

Excited na talaga akong dumating ang Sabado. Sabado is the day man! Other days just sucks!

I'll be having my gun come Saturday. Yup, bibili na ako ng baril ko. Finally! Hehehe. Ilang araw na lang at matatapos na ang paglalaway ko at pag-i-imagine ko sa baril ko. Dahil come Saturday... bibili na ako ng baril ko sa Divi. Hindi ko pa alang kung anong klaseng satifaction ang maibibigay saken nitong bago kong baril. Pero ala pa nga 'yung baril mukhang satisfied na ako sa idea pa lang na sa Sabado ay magkakabaril na ako.

Napakasarap na napakahirap na maghintay ng pagdating ng Sabado. Habang hinihintay ko lalong nagiging marahas ang imahinasyon ko. I was one time imagining na nag-organize daw 'yung team(Team T.O.M.A.) namen ng isang invitational airsoft competition. Dami daw dumating na guest and participants including famous people sa Pinas. Two day competion daw and we made makeshift tents(big). Good for ten(10) foldeable beds. Naging parang family day din daw kasi kasama nung ibang players their respective families. Tapos... nagising na ako. Tapos na ang commercial sa T.V.... "Maging Sino Ka Man Uli". Hehehe. Sarap talagang mangarap, pag alam mong matutupad.

Thanks Bro

"Bro, bro... excuse, bababa lang ako". 'Yan 'yung magic words na gumising kanina sa aken sa FX.

Muntikan na naman akong maiwan ng shuttle service namin sa opisina kaninang umaga. Hindi naman ako na-trapik. Ala ngang trapik eh. Hindi naman ako late na nagising. On time lang naman 'yung alis ko sa bahay eh. Actually the real reason ba't ako muntikan ng maiwan ng service is because... natulog ako sa FX. Yup mga Sir and Ma'am natulog po ako ng mahimbing sa FX.

Ang dapat na Buendia Ave. na bababaan ko eh nag-extend hanggang Ayala Ave. At kung wala siguro akong katabi sa FX eh malamang sa terminal na ang gising ko. Mabuti na lang at narinig ko ang magic words na, "Bro, bro... excuse, bababa lang ako". Kung Nagkataon pagod na ako butas pa ang bulsa ko pagko-commute papapunta sa Hitachi.

(Lesson Learned: When commuting(FX) and you think you'll fall asleep... 'wag kang mauupo sa dulo wherein walang gigising sa'yo when it's their time to get-off the vehicle.)

Tuesday, February 27, 2007

Divisoria, Here I Come

I really like having guns or gun, at least. Be it real or reel, kahit ano, papatulan ko.

It's not that I need to practice a headshot to someone na 'asar' ako. Wala naman akong kaaway na sobrang kailangan ko ng patayin para matahimik na ang buhay ko. Wala pa naman. Pero paminsan-minsan meron din. kaya ingat kayo... mga gago kayo!

My 'new' likings to 'reel' guns or gun started two(2) years ago pa, November of 2005. Me, Medz and Adi together with my two(2) sisters' family and my many cousins' family went to Star City for some fun. Actually the truth is, may nagbigay kay Medz ng free tickets(entrance and rides). Kaya nagkayayaan nung malaman ng mga 'uto' na libre ang ticket.

It was in this trip to Star City ng una ako(kami ng mga pinsan ko) nakakita AEGs. All plastic pa 'yung nakita namin nuon pero God... we're so impress. Gusto ko ng bumili nun time na un kaya lang ala akong makakalaro... alang pera mga cuz ko that time eh. Ignoramus(I do not know then that there was already this game sa Pilipinas) pa ako nuon sa airsoft gaming. But I already have this idea of playing those plastic AEGs duon sa manggahan namin sa bahay with my cuz. Pero malas talaga, ala talagang pera ang mga mokong kong pinsan. Simula nuon pinagpantasyahan ko na ang magkaroon ng 'baril'. Hindi talaga mawala sa isip ko. I promise to myself... "One day I shall own one of those guns... kahit anong mangyari."

And so, two(2) years later, dumating ang magandang balita sa akin. Si Alvin na ka-opisina ko is talking about this airsoft game sa place nila. He was inviting almost every guy sa opisina. As I was listening to him nalaman ko na 'yung airsost gun na sinasabi nya e 'yun 'yung mga baril na pinagpapantasyahan ko ng two(2) years, duon sa Star City pa. Na-excite ako. Nakinig pa ako ng balita tungkol sa new craze na ito(actually luma na pala sya). Kaya lang nalungkot din ako after ng mga ilang question and answer portion namin ni Alvin about airsoft guns. Hindi pala plastic guns ang gamit nila dun... metal pala. At dahil metal sya, mas mahal sya. Namputsa sabi ko! Kelan pa ako makakabili nito. Bang mahal pala.

Simula nuon lalong akong naglaway sa baril. Lalo ko itong pinagpantasyahan. Madalas akong matulala sa pag-iisip. Kelan kaya? Hanggang dumating ang magandang yugto sa aking magiging maniac sa baril. Sa wakas after ng ilang beses na pagmamakaawa at pag-eexplain ke Medz... napa-OO ko rin sya. Pinayagan na rin nya akong bumili ng baril ko. Walang kasing sarap na saya ang naranasan ko. Parang feeling ko sinagot uli ako ni Medz ng matamis nyang "OO" kagaya nuong sagutin nya ako ng "OO" nine(9) years ago. Sa wakas, magkakabaril na ako. Hindi ko na mahintay ang Sabado. Gusto ko ng magpunta sa Divisoria. Haayyy.

Monday, February 26, 2007

Angel

I don't know what happened or what's happening to me, pero this morning I just found myself hmming and/or singing this song entitled 'Angel'. It was a song sang by Joey Albert long time ago na ang nakalipas. It's an original song and it's our(me and Medz) song.

Angel by Joey Albert
Like sunshine on a rainy day
Blue sky takes away the gray
You walked into my life and happiness gain
I'll never be the same.

You speak and everything's okay
You smile and the the music plays
All of a sudden little things means so much
Even just a touch.

'Cause you're my angel
You came when I needed a friend
You're someone only heaven can send
Angel I love you...


Before, that was nung boyfriend-girlfriend days, this used to be my song for Medz she's my only 'angel' then. Pero now... dalawa na silang 'angels' in my heart. Umekstra na si Adi. I love you Mommi and Adi! Mwahhh!

Friday, February 23, 2007

"KODAKAN"

Hindi ko mai-post lahat ng mga pics na kuha ko sa weblog ko na Dandan Dalandan at baka bago ako maka-post o makapag-open ng kahit na ano eh abutin ako ng siyam-siyam. But I really like my pics to be posted and seen by many. Panget man ang kuha o ang subject... basta gusto ko pa rin na i-post sa internet ang mga pics na kuha ko.

I search and search and search. Hanap dito. hanap duon. Click dito. Click doon. Hanggang makakita ako ng solusyon. Hehehe. Yahoo's! Flickr. Salamat. God is really soooo good. Gawa agad ako ng account at presto... I just made a photo blog at nakapag-post na ren ako ng ilang pictures duon. Hehehe. Nakalink na rin 'tong photo blog ko sa Dandan Dalandan ko. Ayun o sa item na 'KODAKAN'.

"Necessity is the mother of inventotions."

Sniper 135cc from Yamaha

These past few weeks Medz was bugging me about the idea of buying an underbone 'bike'. Yeah a motorbike. Malapit na kasi ang Holy Week at 'pag Holy Friday we(sis' and cuz') always or usually goes out of the streets looking and chasing for people or group of people na 'nagpe-penetensya'.

It has been an unwritten norms na sa aming magka-kapatid at magpi-pinsan ang pag-punta sa 'barrio(sa Cainta)' at manuod ng mga tampalasang hudyo na walang awa sa pagpalo ng sobrang kapal na sinturon(minsan kasama pa ang buckles. ouch!) sa likod ng nagki-kristo-kristuhan barkada nila na may buhat-buhat na mabigat ng kahoy na krus. Maski na maraming tao. Maski na mainit at katanghaliang tapat. Maski na nanganagsim na ang amoy ng mga batang nasa unahan mo. Maski 'penitensya' ang paghabol at pagpanuod ng 'penitensya', tuloy pa rin kame. Taon-taon ganun paren kame. Taon-taon 'nognog' kame.

Ang akala ni Medz hinde ako masyadong interested sa idea na bumili ng 'bike' before Holy Week. 'Yun ang akala nya. Ang hinde nya alam excited na akong magka-bike. Hinde rin nya alam na may pinagpipilian na akong modelo ng 'bike'. Naghanap at nagtanong na rin ako ng price, power at porma ng bagay sa aking 'bike'. But I have some financial limitations lang sa pagbili ko ng 'bike'. Sabi ni Medz hanggang 50K lang daw ang 'bike' na bibilin ko. Over and above 50K kalimutan ko na raw 'yun. Maglaway na lang daw ako. Kaya kahit patay-na-patay ako sa Yamaha's Sniper 135cc... tiis na lan ako pare. Alaws pera si Medz eh. Pero maski na kahit papaano magkaka-bike pa rin ako. Eto nga pala 'yung mga 'bikes' na pinagpipilian ko.

1. Suzuki's Smash Revolution 110cc - blue
2. Honda's Wave 100R - magenta(fave color ni Adi)
3. Honda's Bravo - 100cc - orange(people's bike 'to, eto na pinakamura eh. hehehe)

Which one kaya? Can't wait anymore na masakyan ko 'yun 'bike' ko. Isipin ko na lang na... Sniper 'yun!

Thursday, February 22, 2007

H'wag Kayong Kukuha Ng College Educational Plan


Importante ang maayos at magandang eskwelahan para maging maayos at maganda ang pag-aaral ng isang bata. Mas malaki ang porsyento na lalabas na mas magaling sa klase ang isang estudyante na nagsimulang mag-aral sa UP, Ateneo o La Salle, kaysa sa duon nakapag-aral sa mga pampublikong(lokal) paaralan. Alam kong marami ang kokontra. Marami ang hindi maniniwala. Pero anong magagawa nyo eh ito ang opinyon ko.

Hindi ko naman nilalahat pero sa tingin ko... the probability of students to excell in life is largely dictated by the kind of school their in or went to. At ang eskwelahan na 'yan ay hindi 'yung pambulikong eskwelahan(lokal) kundi 'yung mga pribado at 'yung mga nasyonal na pampublikong eskwelahan.

Nakakalungkot pero sa tingin ko iyan ang katutohanan na dapat naming harapin ni Medz ngayon malapit ng mag-elementarya si Adi. Matatapos na ni Adi ang Nursery ngayong March. Kukuha sya ng Preparatory sa June at matatapos nya 'yung ng March 2008. June 2008 may elementarya na ako.

Gusto ko sanang ipasok si Adi sa Siena pero nuong lang nakaraang gabi humihirit na sa aken si Medz, "Dad. Ah, dyan na lang naten sa Sta. Ana(public elementary school) ipasok si Adi sa elementary nya. Baka hindi natin kaya sa Siena.". Hindi ko sinagot si Medz. Napabuntong hininga ako saka ko nasabi ke Medz, "Bahala na. Dapat pala hindi college educational plan 'yung kinuha naten ke Adi. Dapat pala elementary educational plan na lang. Tsk!tsk!tsk!".

Huwag Manood Ng 'Blood Diamond'




Hindi ko gusto ang umaga ko ngayong araw na ito. Bakit? Read on...

Una. Tinanghali ako ng gising.
Kailangan tuwing umaga kapag may pasok sa opisina 4:30 pa lang ng umaga gising na ako at papunta na ako ng banyo para maligo. Kanina, 5:15am na ako nagising.

Pangalawa. Kupal ang driver ng FX na nasakyan ko.
Bakit ba naman kase na kung kailan ako nagmamadali dahil maiiwan na ako ng 'service' eh saka naman ako napasakay sa isang driver na walang malasakit sa pasahero nya kahit ma-late pa sila basta mapuno lang ang FX nya. FX taxi na 'SHEPHERD'... hindi na ako sasakay sayo. itaga mo 'yan sa malambot na bato.

Pangatlo. Kakarag-karag ang FX na nasakyan ko.
Hayup kang 'Shepherd' taxi(FX) ka, sa hinaba-haba ng byahe naten... hindi ka man lang pumalo ng 'kwarta(4th gear)'. Magaling ka lang manguwarta, tado ka!

Pang-apat. Kupal ang driver at kundoktor ng bus.
Pagkababa ko ng FX, Hanap agad ako ng bus papuntang Alabang. Pinara ko 'yung unang bus na dumaan. Maski aircon at medyo mahal ang bayad kinana ko na. Wag lang ako maiwan ng service namen sa Alabang(nakaalis na kase 'yung service namen sa Magallanes). Sa sobrang malas ko naman, magkamag-anak yata 'yung driver ng FX kanina at itong mga mokong na driver at kundoktor ng bus... ayun namasahero ang mga kupal pagdating ng bus sa Mantrade. Bwaka-ng-ina-nyo kayo! Tado kayo.

And finally panglima. Naiwan ako ng service sa Alabang.
Last hope ko na ang service namen sa Alabang. Pero dahil sa sobrang kupal ng mga taong nakasalamuha ko kaninang umaga... naiwan ako ng service. Gusto ko na talagang maghamon ng away kanina, grrr.

Sinuwerte din naman dahil sa ending ng adventures ko... 7:58 ako naka-swipe in ng ID sa time track ng kumpanya. Mabuti na lang at may mga oportunistang mga van drivers/owners na may sticker ng Technopark na naghihintay ng mga empleyadong naiiwan ng service. Salamat sa inyo mga gago kayo. Ang mahal ng singil nyo.

Lesson learned: Huwag manood sa gabi ng 'Blood Diamond' kapag may pasok sa opisina kinabukasan.

Wednesday, February 21, 2007

Talino At Impluwensya Para Magka-Friendster Ka


Matagal-tagal na rin namang panahon na gutom at uhaw sa 'friendster' ang mga tao dito sa Hitachi. Matagal ng unknown dito sa opisina ang URL na ito, www.friendster.com.

Naka-blocked na ngayon ang friendster simula siguro ng ma-monitor ng IT na umuusok ang friendster tuwing araw ng Sabado. Araw, kung saan dapat walang pasok. Dapat na nag-o-OT sa trabaho... pero friendster pala ang inaatupag ng mga mokong na pumapasok. Ngayon wala na talagang friendster.

Ibinalik sandali ang friendster nuong two weeks ago. Sandali lang. From 12pm to 1pm lang tapos... blocked na ule. Sandali lang talaga. Sobrang sandali lang. Hindi nga ako nakapag-update kahit konti eh. Hehehe.

Pagkatapos ng ilang panahon na miss na miss na ng mga friendster fanatics dito sa opisina ang friendster... bigla nilang nakita na nakapagbukas ako ng friendster. Nakaka-update ako ng friendster. Ang mga mokong naiingit. Bukasan din sila. Pero lahat nabigo. Wala kahit isa man sa kanila ang naka-bukas. Hanggang tulo laway lang sila. Hanggang tigas-titi lang. Kaskas sa pader na lang.

Paano daw ako nagka-friendster? Sabi ko, "Talino at impluwensya, para magka-friendster ka." Nagtinginan ang mga bang-aw... "Si Yam... oo si Yam... paturo tayo ke Yam."

(Si Yam 'yung bagong lipat(last week) na ka-dept namin papunta sa IT. Kupal talaga 'tong mga taong ito oo, malay ni Yam dun. Kabago-bago pa lang nung tao dun sa IT pagagawin agad ng iligal.)

Mareng(feeling) Chon(a)

Isa sa mga kokonting ninang ni Adi sa binyag si mareng(feeling) Chon(a). Dati syang boss ni Medz sa Fil-estate(Splash Island). Maganda siguro ang bonding nila kaya siguro maski nagsara ng ang Splash Island, oks pa rin sila sa isa't-isa.

Matagal ko na syang hindi nakikita. First and last time ko 'atang nakasama sya eh nung binyagan si Adi sa Batangas pa hah! After that, hindi ko na sya nakasama pa. Pero si Medz may constant communication pa ren sa kanya. At least once a year nagkakasama pa sila(taon-taon kayang namamapasko si Adi sa kanya hehehe).

Bali-balita lang ang naririrnig ko sa kanya from Medz. Until nalaman ko nga na nasa San Miguel Corp. na pala ang ninang ni Adi. Hanep, naka-bigtime ng ninang si Adi ko ah! Days, months and years have past until malaman ko sa kwento ni Medz na magre-resign nga raw si mareng Chon(a) sa San Miguel Corp. Sabi ko sa sarili ko, sayang naman minsan lang nga magkaroon ng bigtime na ninang ang anak ko mauunsyami pa ata. But anyways, hanggang end na lang daw this month si mareng Chon(a) sa San Miguel Corp., kaya sabi nya ke Medz i-dalaw daw minsan si Adi sa opisina nya at may regalo daw sya ke Adi. Excited si Medz pero mas excited si Adi. May problema lang si Medz... kelan kaya kame makakadalaw ke mareng Chon(a)?

Hindi magawang um-absent these past few days si Medz sa opisina nila, kakapromote pa lang nya... nakakahiya. Hindi lang 'yun, tatlo na 'yung nag-resign sa department nila na sya ngayon ang gumagawa ng trabaho. Sa aken walang problema ang pag-absent... kapalan lang nga ng mukha. Matagal na 'yung imbitasyon ni mareng Chon(a) pero kahapon lang kame nagka-time ni Medz at Adi na makadalaw ke mareng Chon(a). Isiningit lang namin after namin makipaglibing sa tiya ko. Hehehe.

Tama nga ang kasabihan, "Sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy."

Not Even A Sweat

Success!

Naka-absent ako kahapon. Nakapaglibing ako sa tiya ko. How did I do it? Ganito 'yun.

Like what I have planned nung Monday ng hapon, hindi muna ako nagpaalam sa boss ko re: dun sa plan ko na pag-absent kahapon. What I did is, pagdating ko sa bahay tsaka ako nag-compose ng text. Inabot nga ng dalawang text dahil sa haba ng explanation ko eh. Dalawang beses ko pang isinend huh!

I was expecting na walang ng problema sa boss ko dahil two times na nga ako nag-text nung gabi sa kanya na a-absent ako dahil nga makikipaglibing ako. Aba eh mantakin mo na nung tanghali na nung day ng libing habang nasa simbahan kame eh bigla nag-text si boss at tinatanong ba't hindi raw ako pumasok. Na-hindot na. Problema. Tawag agad ako sa boss ko... explain ako. Mabuti naman naniwala. Narinig siguro 'yung mga iyakan sa background.

Lesson of the story: Iwasan maging habitual absentee. Tingnan mo ako, hirap na hirap mag-isip ng dahilan 'pag need talagang um-absent. Absent din kasi ako nung last week, Friday. Hehehe.

Monday, February 19, 2007

Boss Absent Po Ako Tom

Libing ng tiya Alice ko bukas, ala-una ng tanghali. Kailangan kong makipaglibing or else... tampo nito tatay ko.

Problema ko ngayon kung paano ako magpapaalam sa boss ko(ke Myla). Kaka-absent ko lang nuong Biernes last week. Ako kasi sumama ke Adi sa Sportsfest nya sa school nila. Busy kasi tatay(kakamatay lang ng tiya Alice). Paano ba? Malamang hindi ako payagan nito eh. Bahala na bukas.

Eh ano kaya kung tumawag o mag-text ako ke boss mamaya pagdating ko sa bahay. Then sabihin ko naa-absent ako, kasi nga now ko lang nalaman na bukas na pala ang libing. Eh nagagalit ang tatay ko 'pag hindi kami nakipaglibing lahat. Pwede kaya 'yun? Bahala na mamaya o kaya bahala na bukas.

Mahirap talaga maging isang hamak ng Engineer lang. Kelan kaya ko magiging boss?

Budbod ni Pusa

Since pyesta samen at wala kaming handa... ibig sabihin wala kaming pagkain para sa tanghalian namen.

Ako, si Medz, si Adi kasama ang Nanay ko at si Lorie(kapatid ko) at si Yessha(anak ni Lorie)... lumabas kame ng bahay, tanghali kahapon. Ang aming misyon... maghanap ng lugar na makakainan. Sakay ng tricycle, pumunta kame sa 'budboran' ni pusa, sa kanto ng Morga at 'nung kalsada sa may Video City.

Nakakain na kame nina Medz at Adi dito. Nagutom kasi kami nung isang gabing tumutingin-tingin kame ng mga tinda-tinda sa pali-paligid ng munisipyo. Eh nakita namen na medyo parang maraming tao dun sa likod ng kainan ni 'Dho'. So, silip naman kame. 'Yun nga, 'yun pala 'yung pinagkakaguluhan dun. Waiting ang mga tao para makaupo at makakainin ng 'budbod' ni pusa.

Maliliit lang 'yung lugar. Limang lamesa lang na square na apatan ang naka pwesto sa loob, dikit dikit na 'yon ha. Order kami ni Medz ng 'pork budbod', 'tapsilog' naman ke Adi. Habang naghihintay sa pagdating ng pagkain namen, binigyan muna kami ng naka-shorts na batang waitress ng sabaw ng nilagang baboy. Ayos naman ang sabaw, masarap. Hindi tubig na nilagyan lang ng 'pork bouillon'. Tapos, isinerve na samen 'yung drinks namen. Sago at gulaman saken(sarap... lamig!) 'tropicana' na naman ke Medz, share na lang sila ni Adi. Ayaw namen ni Medz na painumin ng tubig dun si Adi... mahirap na, baka madale pa nang 'amoebiasis o LBM' ang anak ko.

After ilang commercials sa TV at isang election campaign ads ni Manny Villar, dumating din ang pagkain namin. Oks naman ang luto, pati presentasyon. Naka-serve ang 'budbod' sa isang native rattan plate na may nakapatong na dahon ng saging. Kumpleto ang condiments. May toyo, suka, asin, ketsup, kalamansi at chilli paste(sawsawan ng siomai sa Chowking). Ito ang nagpaiba sa 'budbod' ni pusa sa ibang mga 'budboran' sa Taytay... ang kanilang libreng chilli paste. Mabilis namin naubos ang pagkain. Nagbayad agad si Medz kasi nga nakakahiya dun sa mga waiting sa labas kung magtatagal pa kame sa loob. Mura lang ang pagkain ke pusa, kaya sabi namin ni Medz... 'Babalik kami at Kakaini Ka!'.

Mag-aalas tres ng hapon ng dumating kame sa 'budboran' ni pusa. Sa kamalasang palad... sarado ang kainan ni pusa. Pwedeng pyesta at may bisita si pusa kaya sarado ang kainan nya o di kaya eh sa gabi lang talaga nagbubukas ng 'budboran' si pusa. Sa sobrang inis at gutom namen, punta kami dun sa 'budboran' sa baba ng simbahan.

Kahit halos panay sinangag lang ang 'budbod' dito... pinilit na lang namen na kainin. No choice eh. Magugutom kame. Wala kaming handa eh. Kaya sa susunod na pyesta... maghahanda na kame, maski para man lang sa sarili namen.


Pyestang Tuyo

Kahapon, Linggo... ang pyesta sa amen, sa Taytay.

Kahapon din ang unang pyesta na wala kaming handa.

We didn't even bother to make handa, kasi alam namen ala namang kaming bisita.

Isa pa... busy kame. Wala na kaming time para magluto pa.

At ang pinaka-importante... wala kaming pera. No money. Ala ching. Alang atik.

'Kala ko pasko lang ang natutuyo... pati rin pala pyesta.

Thursday, February 15, 2007

You Rest-In-Peace Tiya Alice

I will be absent tomorrow. Kailangan kong samahan si Adi sa Sportsfest ng school nila. Not because awardee sya. Its just that, walang maghahatid, susundo at makakasama sya sa Sportsfest nila.

Busy ang tatay ko simula bukas hanggang hindi pa... naililibing ang tiya Alice ko. She died yesterday(last night), Valentines day. Heart ailment and its many complications ang tumalo sa tiya ko. She was supposed to be brought to the hospital that day. Kasi nga medyo hindi na maganda ang lagay. Nasabi nga saken ni Medz kagabi, while we where having our Valentines dinner(yup! natuloy po) somewhere there sa Coliseum Circle, na nagsabi nga raw ang tatay ko ke Medz na pautang ng pera kasi nga dadalhin sa doktor ang tiya ko. Alang pera si Medz nung umaga kaya sabi nya sa hapon na lang pag-uwi nya. Ayun na nga, hindi na umabot yung pera uutangin sana ng tatay ko para sa pagpapa-doktor ng sister nya.

Anyways, siguro masaya na rin ang tiya Alice ko kung nasaan man siya ngayon. Matagal na rin naman ang paghihirap nya dito nung mga panahon na may sakit sya. She deserves a comfort place din naman up there in heaven. May you rest in peace tiya Alice. Nga pala, hindi man nagamit 'yung parang hinihiram ng tatay ko ke Medz sa ospital malamang... sa kape, pandesal, zesto at mani na lang magamit 'yung pera.

Vertical Utot Pataas!

Monday ako nag-ribbon cutting ng aking(actually its me and Medz) 'self-imposed-low-carb-diet-program'. The first day was fine. I was able to finish the day na konting intake lang ng carbo ang ginawa ko. At okay lang naman ang feeling. Wala ako naramdaman na kakaiba, considering the sudden change in food/eating habit. Salamat naman.

But the second day of my 'low carb' diet was entirely different from my first day. I felt something wrong happening sa loob ng small at large intestine ko. Parang may mga kumukulong mainit na lava sa loob ng tyan ko na anytime eh sasabog ng sobrang lakas. Pruuuttt! Nautot ako. Medyo malakas. Buti na lang walang tao. Walang nakarinig. Walang naka amoy. Patuloy pa rin ang pagkulo ng magma sa loob ng tyan ko. Punta ako sa workplace ko. Umupo ako sa upuan ko. Feel na feel ko 'yung bawat tibok ng puso ko. Namputsa mauutot na naman ako. Pinigil kong lumabas. Hindi ako huminga. Buti naman nadala sa pakiusap... hindi sumabog ang lava. Yahoo! Pero teka, ano ito? Mukang nagpipilit na naman lumabas ang utot ko. huminga ako ng malalim. Pinigil ko ang hininga ko. Hindi ako kumikilos. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Kaya lang hindi ko na talaga kaya... kaya nag decide na akong ilabas voluntarily ang utot ko. Tutal kokonti naman ang tao, pede na siguro. Basta walang tunog! Huminga uli ako ng malalim. Tapos, dahan-dahan kinuntrol ang paglabas ng utot ko. Nakisama naman. Unti-unti nga syang lumabas sa kanyang lungga. Panalo... walang tunog! Yes! Kaya lang, nagka-problema ang utot ko. Pagkalabas nya ng puwet ko, wala syang madaanan diretso palabas sa brief ko and eventually sa pantalon ko. Naghanap sya ng way. Swerte naman at nakakakita sya ng way pataas. Nakalabas sya sa brief at pantalon ko(ng walang ingay), pataas between my spine and my brief at pantalon. Umangat ang utot ko sa ere... vertically... pataas. Mga two(2) seconds pa lang sya sa earth ng may marinig akong,

"Dan 'yung build.p..l...a....nnn. Pwe ano 'yun?", medyo medium voice na reaksyon ni Myla(boss ko).
"Umutot ka Dan?", nahihiya na this time na boses nya habang namumula ang muka sa hiya at tawa.
Tumingin ako ke boss at tumango sabay sabi... "Sorry."

Ang baho talaga... kahit anong tago mo pa dyan, lalabas at malalaman pa rin 'yan. Iba't-iba lang nga ang projectile. Pero parang mas okay 'pag... vertical pataas!

Wednesday, February 14, 2007

Valentine's Day Plan: Dinner Together


Malaki ang pressure saken ngayong Valentines Day na'to. Kailangan kong makabawi ke Medz. Kapag hindi ko sya idineyt ngayon o naibili ng regalo o ng isang bungkos ng bulaklak... nakups, patay na naman ako. Tampuhan blues na naman 'to pare ko. I am expecting this following lines from her.

1. "Kagabi nakapunta ka sa birthday, ngayon kahit konti pa-Valentines wala ka para saken."
2. "Tingnan mo, pag lakad sa opisina mo may time 'pag lakad naten wala.". Magpapaalam kasi ako na sasama ako dun farewell dinner para dun sa isa naming ka-opisina bukas.
3. "Hindi mo na siguro ako mahal... kaya wala ka man lang regalo."

Hay naku Medz! Sana you know how much I love you more than those fine dinner together, more than those exquisite sets of jewelries or much more than those beautiful bunch of fucking flowers. I wish you know that. Hindi kasi lahat ng boys 'corny'. But that doesn't mean na hindi nila mahal 'yung mga partners nila.

(Mukang mauudlot pa ata 'yung plano kong dinner tonight ah. Kanina pa ako nag-text ke Medz hindi paren nagre-return call ah. Come on baby, call me nah.)

The Agony Of A Cellphoneless Man


Wala akong cellphone kase... wala akong cellphone! Ewan ko nga ba, basta simula nung ma-drain 'yung battery nung huling cellphone ko, hindi pa ako nagkaka-cellphone. Pero nakakatawa, kasi mula noon hanggang kagabi hindi ko na mi-miss ang cellphone ko.

Inimbitahan kami(dito sa opisina) ni Shelly na magpunta sa kanila kasi daw birthday ni Kyla(anak nila ni Pet). Marami-rami rin kaming nagpunta. Si Dennis(Adonis), Vivs(Voovs), Salia(Doria), Myla(boss ko), Mariz(w/ Kevin), Tin(tin), Evie(ebok), Myra(len), Jubai(Ann), Rizz(pizza) at Mike(Dadoodz). Six(6pm) kami umalis sa opisina at nag stay kame kina Shelly hanggang eight(8pm), just in time para makabalik kami sa Hitachi para sa outgoing ng 8pm na shuttle service... para makauwi na.

Nakarating ako sa bahay ng tama lang sa oras. Hindi maaga, hindi naman late. Ayos laang! Katok ako, walang sumasagot. Katok uli, wala paren. Katok!katok!katok!... sa wakas bumukas din ang pinto. Kiss ako ke Medz, den diretso muna ako sa banyo para umihe. Paglabas ko, kinuwento ko ke Medz na nagpunta kami(mga ka-opisina) kina Shelly dahil nga birthday ni Kyla. Nagbago ang mood ng asawa ko. Parang alam ko na ang mangyayare. Isang pamilyar na pangyayare.

"Hah! Eh ba't 'di ka nagpaalam saken?", unang tanong ni Medz. Tapos sunod-sunod na...
"Sinong kasama mo?".
"Nag-date ka noh?".
"Umuna ka na sa Valentines noh?"
"Umamin ka na?". Sunod-sunod na tanong na parang BBs na lumalabas sa barrel ng M15 na airsoft gun ni Pet.

Hinayaan ko munang mag stable ang emotions ni Medz tsaka ako dumiga...
"Walang tama sa lahat ng sinabi mo. Grrr!", simula ko. "Ano ka ba? Madali lang naman i-verify kung totoo ang sinabi ko e. Tawagan mo si Shelly... now na. Para malaman mo kung totoo o hinde.", tinapos ko na ang speech ko.

Ang ending... isang maiinit na umaga(madaling araw na nun eh) ng Valentines day para sa amin ni Medz. Pero sa mga pagkakataong ganito ko nami-miss ang cellphone ko. Kung may cellphone lang ako edi sana hindi na ako umubos ng effort at talino para magpaliwanag at mapaniwala si Medz sa mga sinasabi ko. Tit! tat! tit! tat!... teka may text ata ako. Susme! cellphone pala ni aRChie 'yun. Nakalimutan ko... wala pala akong cellphone. Miss ko na talaga cellphoe ko!




Mabilis Ang Pagtanda 'Pag May Pera Ka

Kahapon nagpunta kaming lahat dito sa opisina sa birthday ni Kyla, anak nina Shelly(ka-opisina ko) at Pet(dati kong ka-opisina). Tatlong taon na 'yung bata, pero sabi ni Pet actually four years old na daw ang anak nya. Kasi daw nakakadalawang celebration na daw si Kyla ng birthday ngayon taon. 'Nung Saturday 'yung 3rd bithday at kahapon naman 'yung 4th. Ganun?

Naisip ko, pwede palang pabilisin ang pagtanda basta... may PERA ka! Happy 3rd birthday Kyla from Ate Adi.

Tuesday, February 13, 2007

Yes Coach!

Sa UAAP Women's Volleyball: Season 69 Semifinal round, eto ang eksena.

Ma-tension ang laro... ilang points na lang matatapos na ng USTe ang 3rd set. Humahabol naman ang Adamson. Humingi ng time-out si coach Dulce Fante ng Adamson.

May nakalawit na mic sa may ulo ni coach Dulce. Nakatutok ang camera kay coach habang nakakunot ang nuo. Nakapaligid sa kanya ang mga players at ang kanyang coaching staff.

Coach Dulce: "Okey ganito. Ikaw ano, wag mo ng anuhin 'yung ano, anuhin mo lang. 'Pag-ano, umaano ka eh. 'Wag kang mag-alala aano 'yun. Okey?"
Player: "Yes coach!".

Aano pa sana 'yung player kaya lang nag-buzzer na, hudyat na ng pagpapatuloy ng laro.

Moral lesson of the story: "When in a team sports, attend all the practices. Do all the drills. Study all the plays. And most important is... always listen to your coach. Makikita mo maski nagbe-baby talk si coach... gets mo pa ren ang play! Promise."

UAAP Women's Volleyball:Season 69(pang-Valentines talaga ah!)

Hanggang ngayon nag-iisp pa rin ako ng gagawin namin ni Medz bukas. Valentines na bukas, araw na ng mga nguso ah este puso pala. Yayanig na naman ang Pasig, sasabay naman ang Pasay. Magiging kulay pula bukas ang mundo. Bwahahaha! Bwahahaha!

Bukas sa Rizal Memorial Coliseum dadanak ang dugo. Magiging pula ang Valentines day bukas sa Rizal Memorial. Reason? Hindi ko alam kung alam na ng marami ito, hinde kasi naman nati-t.v. o nadya-dyaryo man lang ang tungkol dito. Bukas na po ang 'rubbermatch' between Adamson and USTe sa Season 69 ng UAAP Women's Volleyball. Whoever wins will get the chance to play in the finals against the powerhouse FEU team. USTe came from a lost to Adamson, sinayang nila 'yung twice to beat advantage nila noong Sunday. But anyways, knowing coach August Sta. Maria of USTe... kung hindi man maligo ng dugo ang mga players ng Adamson malamang maligo sa sarili nilang dugo ang mag-e-engot engotan na players ng USTe. Kaya come Wednesday, ang unang maubusan ng dugo ang syang talo!

Manood na lang kaya kami ni Medz sa Rizal Memorial bukas? Matagal na akong hindi nakakakain ng dinuguan eh... at least dun libre.

Sale! Sale! Sale!

Kung mahilig kayo sa tiangge-an o sa mga 'sale!sale!sale!', Taytay is the place to be. It has been part na ng Calendar tuwing pyesta ng Taytay ang 'tiangge-an around the municipal building'. Hile-hilerang mga tent ng mga Pampaguenong nagtitinda ng itak, kaldero, plato at iba't-iba pang stainless kitchen utencils. Mga pirated DVDs, VCD at MP3s na tinda naman ng mga Muslim. Tindahan ng mga 'Made in China' na branded na sapatos. Made in Korea na tsinelas na pang-gurl. Iba't-ibang ka-kikay-an sa buhok ng mga babae, na 5 piso kahit anong klase. Lahat 'yan available sa 'tiange-an around the municipal building'. Lahat 'yan itinitinda ng mga taga Marikina, Pampangga, Mindanao, Maynila, Bulacan atbp. sa murang halaga.

Naisip ko lang habang pumipili ako ng pirated DVD(8 in 1) na papanoorin ko sa bahay habang nakahiga't nakataas ang mga paa... hinde kaya mas okay sana kung mga Taytayenos ang nakapwesto at nagtitinda duon? Mga Taytayenos na itinitinda 'yung sarili nilang gawa at produkto ng Taytay. Naisip ko lang. Sayang eh.

Coffee Break(the rules!)

"Please be reminded that all pantry supplies are for Japanese expats and Managers only. Thank you. - EWS"

Hayyy! Good news mga padres and madres, I survived the first day of our(me and Medz) 'low carb diet'. I ate minamal amount of carbohydrates. Oks naman ang feeling. Walang masyadong unsual reaction/s and katawan ko, including itong tyan ko. I was actually much more concern sa reaction ng tyan ko sa bagong food intakes nya eh. I was expecting na maninibago 'tong tyan ko. Buti naman hindi... at least fot now.

Mahirap talagang mag-diet. I am telling you guys mahirap - sobra! Hindi ako nag-breakfast kanina because, syempre nga... alam nyo na, diet tayo eh. Pero kakapwesto ko pa lang sa table ko eh, parang kumukulo na ang mahal kong tyan. 'Yung kulong parang gustong butasin ang tyan ko sa gutom. Actually, naririnig ko nga 'yung kulo eh. Parang utot na nahihiya ang sounds nya lalo't pag iba ang makakarinig. So dahil sa kailangan kong i-satisfy ang tyan ko, I search for some food dito sa sobrang gulong drawer ko. Tingin doon, bukas dito. Halungkat doon, amoy doon. 15 minutes or more had past pero wala akong nakitang 'food for the boiling stomach'. Then suddenly... *think*, KAPE yeah COFFEE... coffee na lang dear. And there I go... sa pantry.

Matagal na akong nagka-kape sa pantry namen sa opisina. Matagal na talaga. As in sobrang tagal na. At sobrang tagal ko na rin alam na, hindi ako Manager at lalong hindi ako Hapon, but who cares! Ako lang siguro ang engineer na may guts(o kapal na mukha) na lapastanganin ang mga supplies sa pantry 'pag ganitong kulo-kulo ang tyan ko sa gutom or 'pag sobrang mamatay na ako sa antok. Pero nagagawa ko lang 'yun pag walang taong makakakita saken.

Pagpasok ko sa pantry walang tao(swerte) maliban lang ke Beth(malas) na taga-hugas ng mga maruruming mugs at ibang utensils na iniwan ng mga mokong na Japs at Managers. Hawak ko ang aking thermal tumbler... nagkatinginan kame ni Beth. Eye to eye. Mata sa mata. Nang biglang kumurap sya, senyales na 'yun para sabihin ko ang gusto kong gawin kanina pa, "Beth hah! magalit ka na kung magagalit ka.", sabi ko habang naka tinging pa rin ako sa kanya. Medyo kinabahan siguro si Beth. Labasan ang butil-butil na pawis sa leeg, noo at ibabaw ng labi. Kailangan ko ng gawin 'to kaya sinabi ko uli ke Beth, "Magkakape ako... engeng kape. Kulo-kulo na ang tyan ko sa gutom." Napahinga ng malalim si Beth sabay sabi na tila baga pabulong, "Kuha na lang kayo dyan Sir. 'Wag nyo lang ita-timing na me ibang tao. Alam nyo na(sabay turo sa papel na nakapaskil sa pader malapit sa electric airpot)."

"Please be reminded that all pantry supplies are for Japanese expats and Managers only. Thank you. - EWS"

Monday, February 12, 2007

Happy Fiesta, Sa Bayan Kong Sinilangan

Third Sunday na pala ng February this coming Sunday. At para sa mga taga-Taytay(Taytayenos) isa lang ang ibig sabihin nyan... Fiesta na naman ng Taytay.

Trapik na naman nito. Teka, masyado namang 'understatement' iyun eh... ulet! Bang-trapik na naman nito(ayan Taytay-na-Taytay 'yan). Marami na namang pasaherong-empleyado ang 'magmu-moon lighting' na muna for awhile. Magiging imbentor na muna sila pansamantala, aside from their regular work. Matututo at mag-iimbento na naman sila ng mga dahilan kung ba't sila 'late' sa trabaho kahapon, ngayon, bukas at magpasa-hanggang hindi pa nakakaraos ang Fiesta ng Taytay. Mga imbentong-dahilan na kailangang gawin dahil kung hinde... bye, bye job or worst bye, bye... LIFE(bang!).

Para sayo na isang tunay na Taytayenos, oks lang 'yung trapik at oks lang 'yung 'late' sa trabaho, nakakaimbento ka pa naman ng dahilan kung ba't ka laging late eh. Masaya naman kasi talaga ang Fiesta ng Taytay eh. Tsaka alam mo naman na maiintindihan din ng Boss mo kung ba't lagi kang late. Inimbita mo kasi sya sa bahay nyo ngayong Fiesta, at sigurado ka... impierno ang dadanasin nyang trapik bago makarating sa inyo. At pagkatapos ng experience nyang 'yun, taon-taon hindi mo na kailangan mag-imbento pa ng dahilan kung ba't ka late. Alam na ni Boss. Naranasan na nya eh! Happy eating na lang Boss! Hehehe.

Where: Club Manila East Ground

Final leg na ng Sportsfest nina Adi sa school nila. I-try kong mag-absent this coming Friday. Para naman may support sya kahit i-isa.

Hindi naman finalist si Adi sa kahit na anong events this coming Friday. Individual o team events man... actually talo lahat sya. Expected na namin ni Medz na magiging ganito ang resulta. Mahiyain talaga si Adi sa simula pa, mana talaga sa Daddi nya. Sabi nga ng Tatay ko na syang kasama ni Adi last week nung eliminations,"Ayun tumakbo lang ng konti, tapos ayaw ng sumali... mainit daw!". Hay naku nag-inarte pala anak ko.

Kaya this time, gusto kong ako naman ang sumama sa kanya sa Friday sa final leg ng Sportsfest nila. Baka kahit papaano eh magyabang sa aken at tapusin ang lahat ng events na kasali sya. And eventually baka magkaroon pa sya ng special awards, "Most Improved Athlete(meron bang ganun?)". Baka kasi nagpapapansin lang sa amin ni Medz... minsan lang kasi kami makasama sa mga school activities nya eh. That's the down side talaga 'pag both parents are working. Nakaka-guilty talaga. Sobra!

ps.
Syanga pala, buong akala ko eh sa Club Manila East(CME-*eto 'yung high-end na swimming resort sa Taytay ngayon) ang Sportsfest ng school nina Adi. I was wrong, dun lang pala sa labas... sa tapat ng CME. Mainit nga teacher! Nakakalito kasi ang nakalagay sa info sheet na idinikit sa notebook ni Adi eh. "WHERE: Club Manila East(CME) Ground"

Low Carb Diet: Unknown

Special 'tong araw na 'to for me and for Medz. Dahil this day marks the start ng aming 'low carb diet'. Yahoo... sa wakas after so many tries natuloy din ang 'ribbon cutting'. Tuloy-tuloy na 'to, walang ng atrasan 'to. Kaya lang may problema eh... paano ba 'yung 'low carb diet?'. Nakigaya lang kasi ako dun sa 'diet program' ni Pet, 'yung asawa ni Shelly na ka-opisina ko. Pero hindi ko naman talaga alam kung ano 'yung 'low carb diet' eh. Ah ewan basta, tuloy ang 'low carb diet' namin ni Medz. Walang makakapigil.

Minsan there were things in life na mas masaya, mas masarap o mas exciting 'pag hindi masyadong planado. Mas may thrill, mas my suspense mas may element of surprise 'pag hindi naka-schedule. Medyo nasusuka na kasi ako sa kaka-plano ng production ng HDD's dito sa Hitachi eh. Paminsan-minsan I need to have a break din naman. 'Yun nga lang at the expense of our(me and Medz')... FAT!

'Search' ko na lang nga mamaya sa internet kung paano 'yung 'low carb diet'. Basta ang sigurado... simula ng diet namin ni Medz ngayon. Clap!clap!clap!




Friday, February 9, 2007

I Don't Want To Be A Battered Husband

Eliminations ngayon ng Sportsfest nina Adi sa school nila. Actually kaninang umaga 'yun. I wonder kung ano ang nangyare. Nanalo kaya si Adi o as usual nahiya na naman kaya ang bata-batuta? Bakit kase sa dinami-dami ng mamamana sa Daddi nya eh ba't 'yung pagiging mahiyain ko pa ang namana. Talaga naman oh!

But honestly, medyo excited na akong malaman ang kwento. Malamang bukas na ako makabalita sa Tatay ko. Sigurado kasing tulog na ang Tatay ko pagdating ko sa bahay nila at malamang pati si Adi tulog na ren. Iyan lang ang disadvantage 'pag both parents are working. Marami kang mami-miss sa mga nangyayari sa anak mo habang lumalaki sila. Tumigil na lang kaya akong mag-trabaho? Sa bahay na lang kaya ako? At si Medz na lang kaya ang mag-trabaho? Hmmm... teka nga... Ayaw ko yata nun... ayaw kong maging battered husband noh!

Valentines si Medz, Pasko Ako


Nakakatawa, parang ako din si Medz('pag Valentine's day) nung bata pa ako tuwing sasapit ang pasko. Alam ko kase magbibigay na naman ng regalo si Santa Claus.

Alam ko naman na walang Santa Claus. Alam ko naman na Nanay ko lang ang naglalagay ng regalo dun sa medyas(actually plastik na supot nga 'yun eh) na isinasabit ko sa labas ng bintana namen taon-taon tuwing sasapit ang pasko. Pero kahit ganun, nagwi-wish pa rin ako ke Santa Claus ng gusto kong regalo. Ngako-compose pa rin ako ng, "To North Pole. Dearest Santa, ..." na sulat. Asa pa rin ako. Sayang eh!

Eh minsan isang pasko, kasi nga alam na ng Nanay ko na hindi na ako naniniwala ke Santa. At alam nya na rin na alam ko na, na sya lang 'yung naglalagay ng regalo sa medyas(o supot na platik) na isinasabit ko sa labas ng bintana namen tuwing pasko at hindi si Santa Claus. Aba! hindi ba naman nilagyan ng regalo 'yung medyas ko. Ang ending... umagang-umaga nasa palengke kame ng Nanay ko. Reason? Ibinibili ako ng laruan na dapat sana eh... inilagay nya dun sa medyas ko.

Inis na inis ang Nanay ko. Akala raw nya kasi eh hindi na ako naniniwala ke Santa Claus, kaya hindi na nya nilagyan ng regalo 'yung medyas ko. "Hindi na nga po!", sabi ko. "Maski buking ko na kayong dalawa ni Santa Claus dapat... may regalo pa rin ang medyas ko!", sabi ko habang nakatingin saken ng masama ang Nanay ko na tila baga gustong pagkasyahin ako sa medyas ko.

February Fever

Feb na pala. Parang last month Jan pa lang ah(syempre Feb ngayon kasi Jan last month-engots. kainis talaga!).

Next week Valentines na. Payanig sa Pasig na. Matagal na nga akong inaaya ni Medz na mag-join kame sa putukan sa Pasig eh. Hindi pa raw sya nakakapunta dun. Baka siguro this time(next week) finally ma-convince na nya ko. Short time lang.

Mamumublema na naman ako nito. Kailangan ko na naman mag-isip ng ire-regalo ko. Kung hinde... patay na naman ako nito. Tampuhan blues na naman 'to pare ko. Sabi nya oks lang daw sa kanya 'yung walang rega-regalo 'pag Valentine's day. Actually, ayaw nga raw nyang ise-celebrate 'to e. Baduy daw. Corny daw. Pero lagi naman syang nag-e-expect ng regalo from me. Eh lagi naman akong walang regalo. Kaya lagi na lang nagtatampo ang lola mo. Sa awa ng Diyos ganito kami ni Medz taon-taon tuwing sasapit ang Pebrero... comedy.