Tuesday, March 6, 2007

Mga Airsoft Gamers: Kailangan Natin Ng Bading

After pala makabili ng beng beng, na sobrang mahal, eh hindi pa pala duon natatapos ang gastos. Kahit anong kati ng daliri ko na paputukin sa 'battle field' ang beng beng ko, hindi ko pa rin pala magagawa. Kailangan ko pa palang bumili o magpagawa o dumilihensya ng mga gamit para hindi ako maaksidente sa paglalaro(protective gears).

Una sa listahan ay ang, Protective Mask. Hindi naman kailangan na high-end mask ang mabili ko. Maski yung china made pero enough para matakpan ang buong mukha ko kasama ang mata laban sa BBs ay okay na. The cheapest model out in the market is around 500 to 600 pesos. Mura na 'yon hah!

Pangalawa sa listahan ay ang, Protective Vest. Hindi naman ito 'yung bullet proof vest pero sort of like that but lighter material lang ang gamit. Low end type will cost around 450 to 600 pesos. Malaki na ren for a poor guy like me.

Pangatlo sa listahan ay ang, Rifle Sling. Actually kung okay lang sayo na bumuhat ng napakabigat na baril for a long period of time oks eh lang na wala nito ang baril mo. Pero sa kagaya kong tamad magbuhat ng mabibigat i need this thing for 300 to 400 pesos.

Pangapat sa listahan ay ang, Rifle Carrying Bag. This will cost around 600 to 1000 pesos. Kailangan ito except kung okey lang sayo na laging naka carton box pa ang beng beng mo pag tina-transport mo from your house to the site and vis-a-vis. Uto-uto lang ang gagawa nito.

'Yan lang 'yung mga immediate needs para makalaro ka. And that alone would cost you around 1850 to 2600 pesos. Hindi pa kasama dyan ang BDU(upper and lower uniform), knee and elbow caps at iba pang bling bling. Siguro if I'll by it lahat baka kailanganin ko pa ng more or less 6000 pesos pa. Hayyy sakit sa bulsa! Talaga! Magaglit na nito si Medz pag nalaman na ganito pa ang gagastusin ko.

Pero para makatipid at mapagkasya ang maliit kong budget magpapagawa na lang ako ng bag, vest and sling dito ke Bading. Sya yung gumagawa ng mga bags and holster ng cellphone dito sa Taytay. Pero sabi nya marami na rin daw ang nagpatahi sa kanya ng mga gamit para sa airsoft. Hindi ko lang alam kung totoo o nagpapa-impress lang tong si Manong Bading. Kay Manong Bading gagastos lang ako ng 870 pesos para sa customize kong riffle carrying bag, protective vest at 3pt. rifle sling.

Malaki talaga tulong ng mga bading sa ating bansang Pilipinas. Kaya mahirap isipin kung ano na ang mangyayari sa ating Arts and Culture pag ala ng bading sa ating bansa. Mahirap di ba? Eto nga ngayon eh pang-militar na rin sila. Paano na kaming mga airsoft gamers na kokonti ang pera kung walang bading sa Pilipinas o maski sa Taytay? Paano na?

No comments: