Wednesday, September 12, 2012

Dubai Fever!

I am now in UAE.. oo nasa Dubai na ako. Iniwan ko muna pansamantala ang Singapore para subukan naman kung gano talaga kainit dito sa lupain ng mga Emiratis at mga dates.

Hindi naman ako nabigo... dahil ilang araw ko ng nararanasan ang init na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Init na mas mainit pa sa pinakamataas na lagnat na naranasan ko sa buong buhay ko. Whew! Kaya ko 'to... dollars lang ang katapat nito!

Thursday, April 5, 2012

Good Friday, SG Way

Huwebes Santo ngayon sa Pilipinas... pero hindi dito sa Singapore. Biernes Santo bukas sa Pilipinas... pero hindi dito sa Singapore. Holiday lang... pero may pasok paren kame.

Gustuhin mo mang magtika... pero mahirap magawa. Kasi ang nasa isip... pera, pera at pera pa.

Kaya sa panahong ito, nawa sana ay patawarin ako ng aking may likha. Dahil bukas papasok paren ako sa trabaho... pero hindi dahil sa pera... ito'y dahil sa mahirap nang mapagwikaan ng mga kasama. Dahil lahat sila'y papasok... lahat sila'y gusto ng pera.

Wednesday, April 4, 2012

Wait 'till You Drop!

26 days na lang project end na. Goodbye Cidade de Paraty, Hello Dupax 1 Brgy. Sta. Ana Taytay, Rizal Philippines.

Masarap pakinggan para sa kagayang kong uwing-uwi na dahil homesick na homesick na. Pero napakasakit sa tenga para sa mga taong gusto pa ng maraming pera.

Ang masakit... habang inaantay mo na dumating ang katapusan ng project lalo lang naman bumabagal ang pagdating nito. Para bagang lalong nag-aasar... lalong nag-iinis.

Pero aaminin ko... nagtatagumpay sya. Kasi naaasar ako... naiinis ako. Grrrrrrrrrr!!!

Friday, March 9, 2012

SIMPLE ARITHMETIC GOING COMPLEX...

Konting arithmethic muna...

2650 = 2(350) + 2(350) + 2(350) + 550. Tama? Correct!

2650 = 2(350) + 3(233.33) + 2(350) + 550. Tama din? Correct din!

So, anong difference??? Meron! Yung una 7 sila, habang yung pangalawa 8 sila. So, kung aalis pala yung isa sa 8, pareho lang pala. Ganun naman pala, eh baket hindi pede umalis yung isa sa 8???

Kala ko pa naman ganito kaya ayaw paalisin yung isa sa 8:

3000 = 2(350) + 3(350) + 2(350) +550.

Wednesday, February 29, 2012

FEB. 15 2012: MY NEW INDEPENDENCE DAY

Last week, after Valentines Day lumipat ako ng bahay. Tinapos ko lang ang Valentines Day para tapusin na ang maikling pagsasama namin ni Badongles. Unti-unting napupuna ko na parang nababading na si Badong saken eh.

Mula sa isang kwarto(master's room) na pinagsasaluhan namin ni Badongles eh lumipat ako sa isang common room na mag-isa kong ookupahin. Sarap! Hehehe. Ala na akong isisipin na baka habang mahimbing akong natutulog eh may isang kaluluwa naman ang nagsisisi na kung bakit nauna na naman akong makatulog kaysa sa kanya. Dahil sa lakas ng hilik na nagmumula sa aking bibig. Ala na akong iisipin na may mababahuan sa tambak kong maruruming damit sa loob ng kwarto... lalo na ung brief at medyas ko. In short, ala na akong iisiping ibang taong mapeperwisyo sa loob ng kwarto. INDEPENDENCE! MABUHAY ANG KALAYAAN!

Sunday, February 26, 2012

July 24, 2010

The date. Yeah right. That's the day. The last day na huli pala akong nag blog!

Whew! Tagal na pala... almost 2 years na. What went wrong? Ano nangyare? Why such hiatus? Think, think, think... ano nga bang nangyare? Bakit bigla akong natigil sa isang bagay na gustong-gusto kong gawin dati?

I can't think of any reasons why? Wala akong maisip. Wait... that's it! That maybe the reason. Wala na akong maisip. Tumigil na ang isip ko sa kakaisip. Make sense! Nakakatakot. Ayokong mangyare ang naiisip ko. Ayokong tumigil sa pag-iisip ang isip ko. Im still young. Napakabata ko pa para magka Dementia. I should make a move... now! Right now... mula sa araw na ito kailangan kong pigilin ang pagkakaroon ko ng Dementia.

My solution: Start blogging again and start it today!

February 27, 2012. The date. Yeah right. That's the day. The start of the day na magsisimula na naman akong mag blog. Dapat kong gawin 'to... ayoko kayang magka Dementia. Kabata ko pa ih!

Saturday, July 24, 2010

AyosDito.ph

Bibilhin ko 'to pag-uwi ko! Wish ko lang...

Kung Maibabagahe Ko Lang...

Sabado ng umaga ngayon dito sa Gapor at anim na araw na akong malayo... sa pinakamamahal kong Pinas... ke P-Noy.... sa hindi pa tapos kong bahay... sa pinakamamahal kong sina Medz, Adi, Iaianne at DJ... sa mga inaalagaan kong halaman... sa inaaabangan kong Eat Bulaga... sa minsang ko lang malinis na Suzuki Shogun R... sa maasim na sinigang... sa eskwelan ni Adi kung saan ko sino inihahatid at sinusundo araw-araw... sa maraming project kong Tatay... sa maraming utang sa bumbay kong Nanay... sa hindi ko maintindihang mga kapatid at kanilang mga asawa... sa makukulit kong pamangkin... sa nakakaadik na pisbol, squidbol, chickenbol, kikiam ni Mamaneng... sa mga singsing Ita na ini-invade ang loob ng aming bahay...

Lahat yan eh anim na araw ko ng naiwan at malamang na aabutin pa ng Desyembre 2010 ko sila maiiwan. Iyan ang pinakamasakit na katotohanan sa mga tulad naming mga nagtatrabaho sa ibang bansa na sana ay nalalaman ng aming mga pinakamamahal na pamilyang naiwan. Kung maibabagahe ko lang silang lahat sa mga pag-alis ko... edi sana masarap maging OFW, makabagong bayaning pinoy ka pa... di ba?!