Tuesday, August 4, 2009

Maging Maingat sa ating mga Wish

Time is 3:18 AM. Saturday, August 1, 2009. Exactly 20 days before the exact date ng patayin ang kanyang asawa... iniwan na rin ng dating pangulong Cory Aquino ang mga pilipino at ang buong mundo. She was 76 years old when she joined Ninoy.

It was a not anymore a shock to the people who knew what and how long she was suffering from a stage 4 colon cancer. From MMC to Heritage, dinala ang mga labi ni Cory sa La Salle Greenhills para paglamayan. The exact place where she was declared winner from presidency against Marcos by NAMFREL.

Marami ang nagpunta. Marami sa mga pilipino ang nakiramay. Dalawang gabi ang inilagi ni Cory sa La Salle hanggang sa pagsapit ng Lunes ng tanghali ay inilipat naman sya sa Manila Cathedral. Mahaba ang procession papunta sa Intramuras.

Sa bahay... nakatutok kami ni Medz kasama ang bunso namin na si Dianne sa panunuod ng paglilipat ni Cory. From Ortigas Ave. kumanan ang truck ni Cory sa Edsa. Mula sa TV mararamdaman mo ang maiinit na pananabik ng napakaraming tao na masilayan maski hanggang sa huling sandali ang dating pangulo. Sobrang dami ng tao. Kasing dami rin ng nakipaglibing nuon kay Ninoy.

After about 2 hours, mula sa EDSA ay kumanan uli ang procession sa Ayala Ave. Dito mas marami ang tao. Mas nag uumapaw ang pakikiramay. Nagkulay dilaw na naman ang Ayala. Confetti. Lobo. Pati mga tao kulay dilaw. Maski nanunuod lang kami ni Medz sa TV damang dama namin ang lungkot ng mga tao nasa Ayala noon.

Hanggang sa tumapat ang truck ni Cory sa monumento ni Ninoy. Tumigill sandali. At umawit ng 'Bayan Ko' ang mga tao. Nakakapandinig balahibo. Maski TV lang ang kaharap namin ni Medz nun. Maya maya lang eh natapos na ang pag awit ng mga tao. At isang boses mula sa mic ang pumailanlang... malakas... ubos ng lakas, "Mabuhay ang Pilipinas!". "Mabuhay!", sabay sabay na sagot naman ng mga tao. "Mabuhay si Cory!". Nagkatinginan kame ni Medz. Natawa kame ni Medz. Buti na lang hindi nagkakatotoo yung request nung lalake sa mic. Kung hindi... ubos malamang ang mga tao sa Ayala. Minsan talaga importante na maingat tayo sa ating mga wish. Di ba?

Sunday, July 26, 2009

Blessing-blesingan

nung lingo nagkaron ng 'blessing-blessingang' ang aming bagong humble home. biglaan kaya marami ang hindi nakapunta... marami ang nagtampo... kasi hindi naka-tsibug ng libre(joke).

sa lahat ng bagay mahirap talaga pag biglaan. maraming nalilimutan. nakalimutan ko ngang mag-kodakan. naalala ko lang nung sabihin saken ng pinsan ko na sa susunod na lingo eh birthday na nung anak nya. baka daw pede ako ang mag-kokodak. KODAK!!! nun ko lang naalala na hindi pala kame nakapag-kodakan sa buong 'blessing-blessingan'. walastik!

lashing na ako nun kaya hindi ko na kinuha yung camera para magpipindot pa... hay naku! di bale next time na lang... sa totoong 'blessing' na or better kung sa second bahay na... hahaha! wish ko lang!

Monday, June 22, 2009

Dede Lang Ang Katapat

Matagal-tagal na rin ako na nakauwi from my 10-month working stints in SG. At paunti-unti... nababawasan na rin ang ehemmm... yaman ko! Hehehe.

Kailangan ko ng kumita... sa abroad man o dito sa Pinas. Nag-iisip ako ng mapagkikitaan. Eto ang mga nasa isip ko:
- sari-sari store
- karenderia
- t-shirt printing

Pede rin na manan na:
- masahehan
- videokehan
- bilyaran
Nakaka-utong mag-isip ng mag-isip... hehehe. Pag-artistahin ko na lang siguro ang bunso ko... malaki pa ang kita ko... dede lang ang katapat!

Tuesday, April 28, 2009

COKE or PEPSI?

Katatapos lang namin kumain ng tanghalian. Pritong galunggong na maliliit, na sa sobrang liit eh para nang piniritong butiki, at kamatis na sawsawan. At kanina ko rin nalaman na mas sikat ang Coke dito sa Pinas kesa sa Pepsi.

Proof: Pagkatapos namin kumain inaalok ni Medz si Adi, "Anak... gusto mo ng Coke?" tanong ni Medz kay Adi. Tumango naman ang anak ko. Kumuha naman si Medz ng baso at sinalinan ng RC sabay bigay ke Adi. Kitam!

Saturday, April 25, 2009

OMG! Nakaw Eksena

Kakadating lang namin sa bahay nina Medz at ng buong pamilya Sumulong from a wedding. Kasal ng inaanak ko sa binyag na pinsan ko rin. And fortunately(or unfortunately) kinuha uli ako na ninong at ninang din si Medz. Imagine kung gaano ang tiwala at bilib saken nung bata... hehehe. Kung alam nya lang kung gaano ako kabarat na ninong.

Nga pala, first time ko itong(kami ni Medz actually) mag-anak sa kasal. At sa bata kong ito... may inaanak na ako sa kasal... OMG! Kaya kanina parehas kami ni Medz na iba ang suot sa mediocre type na nagnininong at nagnininang sa kasal na barong tagalog at baro't saya. Nakapangsosyalang damit lang si Medz at nakafold na longsleeves lang naman ako. Ayos din naman... tinginan nga ang mga tao eh... lalo na nung dumating kaming late at nakisingit na lang sa mga tsikiting na abay para lang masabi na nakasama parin kami sa parada. Hahaha! Yan ang tunay na nakaw eksena!

Photographer In Me


While in Sg with Medz, Adi and Dianne something ugly happened! Nasira ang dalang digital camera nina Medz. At dahil sa mahirap palagpasin ang experiences naming pamilya while on vacation na hindi nakacapture ng camera... ehem napapayag ko rin si Medz nabumili kami ng bagong camera. At hindi lang basta camera ah... DSLR pa. Hahaha... ang saya-saya. Etong picture nato papadevelop in an A4 size. Simula lang ito ng pagiging tanyag kong potograpo... promise! Sino sa inyo ang gustong maging una kong kliyente? Bahala kayo... it your lost not mine. Hehehe.

Friday, April 24, 2009

Building My Own Home


Habang nasa SG ako at nagtatrabaho isa sa marami kong misyon ang makaipon para magkapapatayo ng sarili kong kwarto... este bahay pala.


Drowing dito, drowing doon. Browse dito, browse doon. Tingin dito, tingin doon. Tanong dito, tanong doon. Usisa dito, usisa doon. At pagkatapos ng mahaba-habang paglikot ng isip... naidrowing ko din, sa wakas, ang aking pangarap na kwarto(bahay pala!).


Feb nang nakauwi ako sa Pines. Bukod sa sobrang pagkamiss ko sa kanduli, dinuguan at pandesal... isa sa gusto ko agad gawin ang maisakatuparan ko na ang matagal ko ng drowing ng kwarto ko at ng mga anak ko.


Sa malas may kakilala pala akong arkitekto. Syempre nagtanong ako. pagkalipas ng isang araw... nalusaw ang drowing kong bahay. Biglang napailtan ng drowing ng kakilala kong arkitekto. Namputsa! Nagsayang pa ako ng oras kakadrowing, kakabrowse, kakatanong at kakausisa. May arkitekto pala na pedeng magdrowing para saken. Tatanga-tanga eh. Hehehe.