Tuesday, February 13, 2007

Yes Coach!

Sa UAAP Women's Volleyball: Season 69 Semifinal round, eto ang eksena.

Ma-tension ang laro... ilang points na lang matatapos na ng USTe ang 3rd set. Humahabol naman ang Adamson. Humingi ng time-out si coach Dulce Fante ng Adamson.

May nakalawit na mic sa may ulo ni coach Dulce. Nakatutok ang camera kay coach habang nakakunot ang nuo. Nakapaligid sa kanya ang mga players at ang kanyang coaching staff.

Coach Dulce: "Okey ganito. Ikaw ano, wag mo ng anuhin 'yung ano, anuhin mo lang. 'Pag-ano, umaano ka eh. 'Wag kang mag-alala aano 'yun. Okey?"
Player: "Yes coach!".

Aano pa sana 'yung player kaya lang nag-buzzer na, hudyat na ng pagpapatuloy ng laro.

Moral lesson of the story: "When in a team sports, attend all the practices. Do all the drills. Study all the plays. And most important is... always listen to your coach. Makikita mo maski nagbe-baby talk si coach... gets mo pa ren ang play! Promise."

4 comments:

Anonymous said...

hahahaha!!! sa tingin ko magugustuhan kong dumalaw dalaw dito kasi higit sa lahat gusto ko yung may anuhan e :)

nice one, medyo naiyak ako sa anuhan pero oks lang I want more anuhan please :)

welcome to blogging kung bago ka nga talaga :)

salamat sa pagbisita at pagkomento..
more power at pag sikat na blogger ka na huwag mo kong kalimutan
hanggang sa susunod na halalan!

Anonymous said...

maraming maraming salamat sa pagdalaw, pagbasa at pagkomento, bossing. it has my priviledge having you as my guest.

nga pala... valentines ngayon, marami na naman ang mag-aANUhan. makaboso nga mamaya!hehehe. kaka-inggit, maka-ANO na din nga, watchatink hah?

Anonymous said...

sa tingin ko?
sa tingin ko ang sipag mo lol biro mo yun tatlong entry sa isang araw :)

Anonymous said...

na-excite lang siguro... new thing sken 'tong blog eh, kaya siguro excited pang mag post.

dont you worry melai... sa simula lang naman ako magaling eh. madali rin akong magsawa. hope not!