Feb na pala. Parang last month Jan pa lang ah(syempre Feb ngayon kasi Jan last month-engots. kainis talaga!).
Next week Valentines na. Payanig sa Pasig na. Matagal na nga akong inaaya ni Medz na mag-join kame sa putukan sa Pasig eh. Hindi pa raw sya nakakapunta dun. Baka siguro this time(next week) finally ma-convince na nya ko. Short time lang.
Mamumublema na naman ako nito. Kailangan ko na naman mag-isip ng ire-regalo ko. Kung hinde... patay na naman ako nito. Tampuhan blues na naman 'to pare ko. Sabi nya oks lang daw sa kanya 'yung walang rega-regalo 'pag Valentine's day. Actually, ayaw nga raw nyang ise-celebrate 'to e. Baduy daw. Corny daw. Pero lagi naman syang nag-e-expect ng regalo from me. Eh lagi naman akong walang regalo. Kaya lagi na lang nagtatampo ang lola mo. Sa awa ng Diyos ganito kami ni Medz taon-taon tuwing sasapit ang Pebrero... comedy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
bardot..gi paniwalaan kase nimo..uy di jud tinuud ang sta.claus..gi libog ka lang..
maraming salamat anonymous kahit hindi ko naiintindihan comment mo. ah meron pala akong naintindihan... 'yung libog!
Post a Comment