Wednesday, December 17, 2008

Suicidal Mode Part 2

Nagising ako nagriring ang phone ko. Kinapa ko sa kama pero hinde ko tsambahan. Kapa dito, kapa doon... pero ala talaga hindi ko makapa. Kailangan ko pang tumayo para hanapin yung lintek na cellphone na yun.

Ang kuya Ricky tumatawag. “Ang aga ata.” sabi ko sa sarili ko (pasado alas syete lng kaya ng umaga). Sinagot ko.

“Hello kuya!”, sabi ko na kakagising lang ang boses.

“Oi, tumatawag daw sa’yo si Mr. Go kahapon hinde raw maka-connect dyan sa cellphone mo.”, unang dagsa ng bayaw ko.

“Eto number tawagan mo ngayon 123 456 78. Papag reportin ka nun. Bahala ka ng makipag usap. Marunong ka naman magsalita. Oh sya sige... trabaho muna ako.”, sabay baba sa telepono.

Eto na naman. Naramdaman ko na naman yung kaparehas na damdamin nung una kong matanggap ang balita.

Biglang kumulog... kumidlat... biglang nag play ang ‘Hindi Ko Kayang Tanggapin” ni April Boy... naging gray ang paligid... naglabasan ang mga kutsilyo, 9mm na baril, Dora Rat Killer, lubid na pambigti.

Feeling ko may plastic bag na nakasuot sa ulo ko. Maiinit. Pinagpapawisan ako. Hinde ako makahinga. Parang puputok ang mga ugat ko sa ulo. Konti na lang bibigay na hininga ko.

Mukang tuloy na tuloy na nga. Diretso na nga ako sa susunod kong trabaho. Ala ng bakasyon. Naglasing na ako kagabi... pero hanggang ngayon hinde ko pa ren matanggap ba’t nangyare na yung napakahabang panahon na inaantay ko para makauwi at makapagpasko at bagong taon sa Pinas eh hindi mangyayare. Talagang napakasakit kuya Eddie. Pero okay na rin at least ako hinde nabakante. Pero hinde eh, kakainggit pa ren eh. Lahat sila uuwi na ng Pinas ako lang mag-isa maiiwan dito. Wahhhhhhhhh!

No comments: