Monday, December 29, 2008

Medz na Medz (as in)


Naalala ko si Medz nung makita ko kaninang umaga habang nagyoyosi ako bago sumakay sa serbis papuntang Keppel shipyard 'yung billboard ng isang magandang babae. Maliban sa kahawig sya ng asawa ko... naalala ko 'yung pabilin nya saken na ibili ko sya ng 'gold' ring with a diamond.


Medyo hirap akong bumili ng ipinabibili ni Medz dahil una, takot akong maloko... baka puwit pa ng baso ang mabili ko. Pangalawa, medyo mahal ang 'gold' dito... mas malaki pa ang mura sa Binondo. Pangatlo, alang o kung meron man eh bibihira sa mga Singaporean ang nagsusuot ng 'gold'. Ang suot nila... 'white gold'. Mas mahal pero parang mas elegante. Pero sa totoo lang ha... Medz na Medz sya talaga!

Aung Koh Lin: A Bangla Man


Majority ng mga kasama ko sa commisioning eh mga Pinoy. Siguro 95% is Pinoy and the other 5% is being share by the Chinese, Singaporean, Malaysian and Indian. Pero pag onboard na kame ng barko... iba na ang usapan. 2% na lang siguro kameng mga Pinoys and majority ng mga nagtatrabaho dun is mga Indian at Bangla man. Their job... hard jobs, really hard jobs!


Mapagkaibigan ako. Isa sa mga unang nakilala ko si Aung Koh Lin, lalake... Bangla man (taga Bangladesh po). Siya yung nagpalusot ng cable ng PC mula sa junction box... eh pinadaan sa kisame diretso sa dingding at inilabas sa butas para maisaksak sa PC.


Matangkad na payat na mapusyaw ang kutis. Makikita mo sa damit nya kung gaano 'kadumi' ang trabaho nya... putik na ang lalabas pag nilabhan ang damit nya. Mas lalo mong malalaman ang hirap ng trabaho nya pag lumapit na sya... amoy tuyong pawis na kinikilikili na talaga! Whew!
Pero maski na ganun ang trabaho nya... aba eh lagi naman syang naka smile. Inihahanap ko nga ng syota eh... single pa 'to. Sino may gusto?


Thursday, December 25, 2008

Biglang Bumaha ng Luha sa Kwarto ko

Nung isang araw habang inaayos ko ang mga files ng laptop ko napadaan ako dun sa mga folders ko mga pictures. Bukas ako dito, bukas ako dun. Tingin dito, tingin dito. Tapos nakita ko yung pictures ng mga anak ko. Napatitig ako sa panganay ko ke Adi. Bigla ko syang naalala. Bigla ko syang namiss. Naalala ko yung mga panahon na magkasama pa kami sa pinas. Parang naawa ako hindi sa sarili ko pero para sa anak ko. Hindi na nya ako nakakasama. Hindi na kame nagkakalaro. Bilib pa naman saken yun pag nagdrowing na ako. Hindi ko na namalayan tuloy-tuloy na pala ang agos ng luha mula sa dalawa kong mata. Papahirin ko. Tutulo pa ren. Papahirin ko. Tutulo pa ren. Paulit-ulit lang.

Tawag agad ako sa asawa ko ke Meds, “Mommi YM tayo!”

“Teka hindi pede nasa trabaho ako”, sagot ng asawa ko sa kabilang linya.

“Hindi basta YM tayo, online na ako”, pautos na ang sabi ko.

Sumunod naman sa gusto ko si Meds. Nag chat kame pero nde ko na binuksan ang cam ko. Kaya hindi nya alam na habang nagpapatawa ako at tumatawa sya eh... bumabaha na ng luha sa kwarto ko!

Minority pala ako sa Singapore

Nung kasagsagan ng trabaho ng ConocoPhillips para sa barkong Bohai dito sa Sembawang shipyard nagkalat kung saan-saan ang mga pinoy. Lumabas kang ng HDB nyo may makikita kang kakilalang pinoy. Maglakad ka papuntang MRT station may makakasalubong at makakasabay kang mga kakilala pinoy. Kumain ka sa McDo sa Sun Plaza may makakasalo kang mga kakilalang pinoy pa ren. Feeling ko nga nun tayong mga pinoy ang majority dito sa Singapore at minority dito ang mga intsik beha.

Pero simula nung umalis na ang barko at ang mga kasama kong pinoy... nag-iba ang paligid ng Sembawang. Bigla dumami ang mga intsik. Kahit san ka magpunta intsik at intsik pa ren. Nawala na ang mga pinoy. Bigla tuloy akong nalungkot. Naramdaman ko bigla ang katotohan na wala ako sa lupa nting hinirang. Nakikiamot lang ako dito sa lupain ng fish curry head at rice duck. Balik na kayong mga ‘buddy’!

Paskong Basa

Ang buong akala ko magiging ‘paskong tuyo’ ako dito sa Singapore. Imagine, ako na lang ang naiwan sa flat namen. Ako na lang din siguro ang pinoy dito sa lugar namen. Nagsialisan na ang mahigit sa ewan kong mga kasama sa trabaho pauwi sa ating lupang hinirang. Ako lang ang natira... as in!

Pero kaninang umaga(Dec 24) paggising ko para pumasok sa bago kong trabaho umuulan na. Hanggang sa makabihis at makarating ako sa bago kong trabaho umuulan pa ren. Isa lang ang ibig sabihin nito... alang trabaho, pero bayad! Hehehe.

Maghapon ang ulan kaya maghapon din na walang trabaho. Ang kinatatakutan kong ‘pasko tuyo’ aba eh biglang naging ‘pasko basang basa sa ulannn. Walang masisilungan walang malalapitannnn’.

Thursday, December 18, 2008

Pasko Sa Changi Prison?

Unti-unti... natatanggap ko na, na ang lahat ng mga nakasama ko sa trabaho dito sa Singapore sa loob ng mahaba at makabuluhang pitong buwan ay magsisiuwian na sa Pilipinas nating mahal. Habang ako’y maiiwan dito sa Singapore ng mga intsik na malapit ko na ring mahalin.

Medyo-medyo tanggap ko na, na ako ay magpapasko at magbabagong taon hindi sa Pilipinas kong mahal kung dito sa Singapore na pwede ko na ring mahalin.

Pero nalulungkot pa rin ako. Pag naiisip ko na ako lang, sa mahigit ilang daang kasama ko dito, ang maiiwan at hindi makakapiling ang puto-bungbong, kutsinta at tsaa ngayong PASKO 2008.

Napapraning pa rin ako. Naisip ko nga kanina habang sakay ako ng MRT papuntang Bishan station, “Isabotahe ko kaya itong resume ko! Mali-mali kaya gawin kong info... para magulo ang processing at hindi maayos ang papel ko. Para pauwiin ako ngayong pasko.”

Buti na lang nakinig ako sa anghel ko. Kung hinde, malamang bilibid ako. Singapore yata ito men! Anything na maling info sa CV mo at nadiskubre nila... kulong ang aaabutin mo. Mas ayaw ko kayang mag pasko sa Changi Prison!

Wednesday, December 17, 2008

Missing The Climax

15-12-2008, 0735HRS. Araw at oras na kahit kelan ay hinde ko makakalimutan hanggang ako’y nagtatrabaho sa Singapore. Eksaktong araw at oras nung hilahin mula sa pampang ng Sembawang shipyard papunta sa isla ng Bohai sa China ang pinakamalaking chinese FPSO, ang BOHAI PENG BO.

Kulang na lang ng isang linggo eh eksaktong pitong buwan din akong nagtrabaho at hindi nagtrabaho para umandar at hindi umandar ang mga umaandar na instrumento sa FPSOng BOHAI PENG BO. Mahabang panahon na rin ang pitong buwan kasama ang barko at ang mga tao nito para makaramdam ako ng lungkot ng tumawag saken si Hard Boy Egg para sabihing, “Pre, ala na ang barko... binatak na ng mga gago. Pero tanaw pa rin mula dito. Ga-kulangot na nga lang.”

Iyan ang mas masakit na parte ng pitong buwan na pagtatrabaho ko. Ang umalis ang barko ng hindi ko nakita. Na hindi ko nasaksihan ang dahan-dahan ng pag-usad nito palayo sa pampang kung saang matagal na panahon itong nakadaong. Para akong nagtake ng African Black Ant at nakipag-sex. Contodo ang romansa. Matagal ang foreplay. Pawisan na ang buong katawan pati na ang singit. Tapos nung malapit na sa 'climax'... biglang nagring ang telepono, "Sir, extend po ba kayo? Two hours na po kayo!". Bitin! Bitin na bitin!

“Ayos lang yan pre.”, si Hard Boy Egg uli.


“Binidyo ko naman sa cellphone ko eh. Panuurin mo na lang mamaya sa Lucky... may inuman tayo dun! Hehehe”, natawa pa ang gago.

Suicidal Mode Part 2

Nagising ako nagriring ang phone ko. Kinapa ko sa kama pero hinde ko tsambahan. Kapa dito, kapa doon... pero ala talaga hindi ko makapa. Kailangan ko pang tumayo para hanapin yung lintek na cellphone na yun.

Ang kuya Ricky tumatawag. “Ang aga ata.” sabi ko sa sarili ko (pasado alas syete lng kaya ng umaga). Sinagot ko.

“Hello kuya!”, sabi ko na kakagising lang ang boses.

“Oi, tumatawag daw sa’yo si Mr. Go kahapon hinde raw maka-connect dyan sa cellphone mo.”, unang dagsa ng bayaw ko.

“Eto number tawagan mo ngayon 123 456 78. Papag reportin ka nun. Bahala ka ng makipag usap. Marunong ka naman magsalita. Oh sya sige... trabaho muna ako.”, sabay baba sa telepono.

Eto na naman. Naramdaman ko na naman yung kaparehas na damdamin nung una kong matanggap ang balita.

Biglang kumulog... kumidlat... biglang nag play ang ‘Hindi Ko Kayang Tanggapin” ni April Boy... naging gray ang paligid... naglabasan ang mga kutsilyo, 9mm na baril, Dora Rat Killer, lubid na pambigti.

Feeling ko may plastic bag na nakasuot sa ulo ko. Maiinit. Pinagpapawisan ako. Hinde ako makahinga. Parang puputok ang mga ugat ko sa ulo. Konti na lang bibigay na hininga ko.

Mukang tuloy na tuloy na nga. Diretso na nga ako sa susunod kong trabaho. Ala ng bakasyon. Naglasing na ako kagabi... pero hanggang ngayon hinde ko pa ren matanggap ba’t nangyare na yung napakahabang panahon na inaantay ko para makauwi at makapagpasko at bagong taon sa Pinas eh hindi mangyayare. Talagang napakasakit kuya Eddie. Pero okay na rin at least ako hinde nabakante. Pero hinde eh, kakainggit pa ren eh. Lahat sila uuwi na ng Pinas ako lang mag-isa maiiwan dito. Wahhhhhhhhh!

Sobrang KJ Na Balita

Kring!(vibrate) Kring!(vibrate) Kring!(vibrate)

Telepono ko este cellphone ko nag-ring... nag-vibrate pa! Tiningnan ko ang LCD... “SG Kuya RikiST”.

Bayaw ko! Kinabahan ako... “Baket kaya?”

“Ah eh Hello Kuya.” Sabi ko pag kapindot ko ng icon nung green telepono na nakaangat.

“Lord Dan!”, sabi ni Kuya Ricky sa kabilang linya.

Sumagot syempre ako, “Oh Kuya... ano ga?”.

“Ikaw eh umabsent sa Lunes. Sabihin mo ke Emil at ke Leo (mga boss ko) !”, pautos na sabi ng kuya Ricky.

Syempre kailangan kong magtanong, “Bakit ga?”

“Paalam ka, sabihin mo eh aayusin mo yung papel mo ke Mr. Go para dun sa sunod na project. Okay?”, mukang nagmamadaling sabi ng kuya.

“Teka kuya... san gang trabaho iyon, dito ren? Kelan ang umpisa?”, dalawang sunod kong tanong.

“Dito yun sa Singapore, sa Prosafe... sa Jurong yun.” , sagot nya sa tanong ko.

“Bago mag 20 gusto na ni Allan (boss dun) na magsimula ka na dun, pero pede ka na rin magsimula sa 16!”, mukang gusto ng tapusin ng kuya Ricky ang usapan namen... ayaw ng humaba pa.

Pagkarining ko nun... biglang kumulog... kumidlat... biglang nag play ang ‘Hindi Ko Kayang Tanggapin” ni April Boy... naging gray ang paligid... naglabasan ang mga kutsilyo, 9mm na baril, Dora Rat Killer, lubid na pambigti.

Feeling ko may plastic bag na nakasuot sa ulo ko. Maiinit. Pinagpapawisan ako. Hinde ako makahinga. Parang puputok ang mga ugat ko sa ulo. Konti na lang bibigay na hininga ko.

Eh paano ba naman, may ticket na ako pauwi ng Pilipinas. Ang buong isip ko nasa Pilipinas na. Ini-imagine ko na mga gagawin ko pagdating ko. Sa pasko. Sa bagong taon. Lahat naka picture na sa utak ko. Yung araw na lang ng pag-uwi ang inaantay ko. Tapos eto may dumating na KJ na balita. Guho ang lahat ng pangarap.

Pero okay na ren ‘to at least hindi ako mababakante. Tuloy tuloy ang trabaho. Ang masakit nga lang eh... mag-isa ako dito sa lupain ng mga intsikero sa araw kung saan masaya kung kasama mo ang buo mong pamilya. Ang araw ng Pasko at Bagong Taon. Ipag-pray nyo na sana maging happy ang Pasko at merry ang New Year ko. Waaaahhhh!

Jo2, Ronk 'n Roll

Kahapon ng umaga habang nagmimiting yung grupo ni Bonjoi biglang may hinahanap syang tao.

“San si Jojo?”, tanong ni Bonjoi habang palinga-linga.

Tinginan naman sa paligid ang mga tao. Bulong dito, Bulong doon. Hanap dito, hanap doon. Ang ending...

“Sir! Ala pa Sir! Absent po Sir!”, sabay-sabay ang tatlo o apat na miyembro ng grupo nya.

Si Jojo o mas sikat sa alyas na Jotu (Jo2, Ronk ‘n Roll) eh kilala na sa madalas na pag-absent. Ang dahilan... hang-over. Kaya hindi kayang umakyat ng barko para magtrabaho. Kaya imbes na mahuli ng safety na natutulog sa trabaho... eh madalas pinipili na lang nya ang umabsent.

Nitong mga nakaraang Linggo ala ng masyadong trabaho... lalo na yung grupo ni Bonjoi kung saan kasama si Jo2, Rock ‘n Roll. Kaya ang Jo2, Rock ‘n Roll eh pumapasok lang para matulog sa mess hall. Mahirap paniwalaan pero totoo. Hindi sya natutulog sa gabi. Pumapasok sya sa trabaho sa umaga para matulog maghapon. Ok na sana. Hindi sya absent. Natutulog nga lang. Pero Sumusweldo naman.

Pero kahapon nakakapagtaka. Bakit umabsent si Jo2, Rock ‘n Roll eh bayad naman ang tulog nya. Hindi ko pa nakakausap ang loko eh. Pero one of this day... malalaman ko rin bat pinagpalit nya ang isang araw na may sweldo na wala naman ginagawa kundi matulog. Hmmm.

COMPROMISED!

Sa lahat ng nakakakilala sa akin ng lubos... ang pag-hihintay ng matagal ang pinakaayaw ko. Kaya kung gusto mong makarinig masasakit na salita gaya ng, sugat, nana, pigsa etc at makaranas ng nakamamatay na titig... pag-antayin mo lang ako ng matagal, without a doubt pare... ibibigay ko sayo.

Kaya ako pag may pupuntahan... maaga lagi. Ayoko ng nag-aantay ako. Mas maaga. Mas hinde makapag-aantay. Mas madaling matatapos.
Pero minsan nako-compromise din naman ito. If the price is right.Tanungin nyo ang mga kasama ko sa trabaho at malalaman nyo kung gaano kasarap na maghapon na mag-antay ng oras. Mag-aantay ka lang... may bayad ka pa. Dollars pa!

HEADLINE BUKAS, NGAYON ANG BROADCAST



Headline: Matandang pana, inatake sa puso... patay!

Kung Pilipinas ang Sembawang shipyard ‘yan na malamang ang laman sa lahat ng dyaryo kinabukasan ng umaga. It was a tragic morning indeed kanina sa Berth 8 ng Sembawang shipyard. Isang kaluluwa ang iniwan na ng tuluyan ang kanyang hiram na katawan.

Kilala sya bilang isang panang sekyu na malupit sa mga kapwa nya pana. May edad na at syempre maitim sya... pana nga eh. Kaninang umaga matapos kong mag yosi sa manggahan pabalik sa ‘white house’ nadaanan ko pa na pinagsisigawan pa nitong si matandang-panang-sekyu ang mga kapwa nya pana na paakyat na sa barko.

Sabi ko nga sa sarili ko, “Tsk!tsk!tsk! Eto na naman si tarantado... mga kalahi na naman nya ang napagdidiskitahan.”

Nakaakyat ako ng barko. After 15 minutes or so... may narinig kaming malalakas na hiyawan ng mga pana. Nagkakasiyahan lang siguro ang mga indiano. Kaya hindi namin pinansin. Maya-maya nakakarinig na kami ng sirena ng ambulansya. Papalakas ng papalakas ang sirena papalapit sa ‘white house’. After awhile... humahangos si Honeycreeper na pumasok sa ‘white house’.

“Hah! (hingal)... patay na! (pause)”, sabi ni Honey na tila maiiyak pa.

Sabay-sabay kami sa pag sabi na parang Viena Sausage Boys Choir na, “Hah! Sinong patay?”.

“’Yung matandang indiano na sekyu na masungit!”, sagot ni Honey.

“Ahh...”, sabay sabay pa rin ang Viena sausage Boys Choir.

Iyan ang maghapong naging topic ng bawat usapan sa Sembawang shipyard. At sa tingin ko, bababad pa ang topic na yan ng mga ilang araw pa bago mapalitan ng iba. At ang malamang sa pumalit na headline eh ang, “ILANG TULOG NA LANG... UWIAN NAHHHH!”.

Nasa Pinas 'yung Gusto Mong Makasama

“Disyembre na! Malapit na ang pasko”, sabi ko sa sarili habang tumatawid ako ng kalsada papunta sa pick-up point ng serbis namin sa trabaho.

Malapit na nga ang pasko. Kahit nasa Singapore ako, at hinde uso dito ang pasko, dama ko na malapit na ang pasko. Compare sa mga nagdaang umaga, medyo mas malamig at basa ang hangin kanina. Sarap huminga. Parang super lamig na methol na sigarilyo na gustong gusto mong i-hitit-buga maski lumuwa na ang mata mo sa pag-ubo. Whaaahhh!!! Umuusok pa.

Sa flat o sa HDB na tinutuluyan ko alang kadiwa-diwa ng pasko. Alang patay-sinding christmas lights... na mamaya lang eh umuusok na dahil sa sub-standard na sa tianggehan lang nabili. Ala ding iba’t-ibang parol na nakasabit sa mga bintana ng bahay... na nahuyag na dahil dahil sa araw-araw na pagsara’t pagbukas ng bintana. Alang mga grupo ng batang pauli-uli at nangangaroling... na mamayang konti lang eh nagtatakbuhan na dahil pinahabol sa aso nung huli nilang bahay na kinantahan ng “Tenk yu, tenk yu, ambabarat ninyo! Tenk yu!”.

In short (not in pantalong) alang kwenta ang pasko dito sa Singapore... alang kwenta mga sis at bro! Mas lalo na dahil mag-isa ka lang... at nasa PINAS ‘yung gusto mong makasama.

GINTONG MAONG


Hinde ako talaga Levi’s fan. I don’t know why. Pero hinde talaga ako kandarapa sa pagpapantasya na magkaroon ng Levi’s jeans. Siguro dahil sa mahal(?) daw ang Levi’s (‘yun ang sabi nila). Pero malay ko… deadma lang talaga saken ang Levi’s kaya hinde ko alam o inaalam kung magkano pa ito.

Sometime last week inaya ako ni (St.) Bernard na samahan sya sa Takashimaya. Bibili daw sya ng Levi’s. Eh dahil sa nakakaawa naman ang aso este tao pala… kaya umoo ako sa kanya.

Maya-maya pa sabi nya sken, “Pre, daan muna ako sa bahay. Kuha lang ako ng pantalon”.

Naguluhan ako sa sinabi nya kaya tinanong ko sya, “Kukuha o magpapatalon ka lang?”.

“Kukuha! May promo ang Levi’s. Lumang pantalon less $50. Sayang din ‘yun ha!”.

Kinuwenta ko… $50, aba eh 1600pesos din un ah!

Pagkagaling namen sa trabaho diretso na kami ng bahay. Afterwhich byahe ng MRT… baba ng Orchard station. Lakad. Mabilis. Diretso sa Takashimaya. Pili dito pili doon si (St.) Bernard. Sukat dito sukat doon si (St.) Bernard. Parang asong hindi maihi sa pabalik-balik nya sa fitting room. Ako naman naiinggit. Kaya pili din ako dito at sukat din din ako doon. After about 30 minutes nagbayad na si (St.) Bernard. $249 ’yung napili nya lonta. Ibinigay nya ’yung dala nyang tubal na lonta para makakuha ng $50 na less. Nagbayad sya ng $200… sinuklian sya ng $1. Putsang ina sabi ko sa sarili ko… 6,368 pesos! Ang laking pera nun ah para sa isang pantalon lang. Discounted pa yun ah!

Napasubo na ata ako ah. Mas gwapo ako kay (St.) Bernard pero naka Levi’s sya. Kaya bibili rin ako ng Levi’s ko. Hindi lang isa… dalawa pa. 501 button fly ang napili ko. Hah! talo sya. Ang presyo… tumataginting na $159 kada isa. Meaning… $318! Gosh nabigla ata ako dun ah. Pero ang hindi alam ni (St.) Bernard… may dala rin akong lumang lonta… dalawa. Kala nya ah! Bibili ako ng hindi sinasamantala yung promo nila. Ano sila… hilo?

Uwian na… kinuwenta ko kung magkano ang nabili kong lonta. Bwakanang ina! 3,488 pesos ang isang lonta. Bale… 6,976 pesos yung dalawa. Discounted pa yun ah.

Napakamot ako sa ulo ko sabay sabi, “Pre, ilan taon ba tumatagal ‘tong gintong maong nato?”.

Tumahol este sumagot naman ang (St.) Bernard, “Hwag mong isuot… tatagal yan!”. Naisahan ako dun ah!
Kaya eto ngayon ang nabili ko... nasa cabinet ko. Iniisip ko kung isusuot ko o i-kwi-kwintas ko!