Thursday, April 24, 2008

International Conversations

Kahit naman medyo ala na akong interes dito sa trabaho ko at nagpaplano ng mag-file ng resignation sa 2nd week of August this year. Meron din naman akong napapala sa araw-araw kong kalbaryo habang nasa opisina ako.

Name: Ue Teng Wee
Market Manager - Electronics, SE Asia
Saint-Gobain Abrasives Inc.

Name: Lynn Harley
Product Engineer
Saint-Gobain Abrasives Inc.

Kasama ko sila kahapon ng maghapon. Kaututang dila maghapon. Kagaguhan maghapon. Intsik na nakatira sa Malaysia si Ue. Nagbebenta siya ng mga abrasives, blades and dressing sticks. Habang si Lynn naman, isang matandang Amerikano, ang technical support ni Ue para makumbinse akong na i-qualify ang tinda nila. Para bilhin ng Hitachi.

Maghapon naming tinest run yung mga paninda nila. Medyo ok naman ang initial data na nakuha ko. Medyo nakumbinsi ako na i-try sa normal na production line yung items nila, to verify kung talagang oks nga ang kalakal ng dalawang ugok na yun.

Sa maghapon naming magkasama, hindi naman siguro tatagal ang usapan namin kung panay; kerf, row thickness, condition, chipping, skew etc. ang usapan namin. In between business conversion ay may mga out of this world na topics din kaming natatalakay.

Nalaman ko na si kahit Malaysian-Chinese si Ue, alam na alam nya ang kalsadang C5. Kabisado din nya ang kahabaan ng Ortigas. Mga lugar tulad ng Paranaque, Marikina, Bicutan at iba pa. Mga bagay na parang least sa listahan ng mga foreigner na malaman. Usually kasi, ang mga dayuhan would first come to know about; sinigang, balot, trapik, PGMA, Erap, The Fort etc mga bagay na masyadong mediocre in a sense na ganu din ang una mong malalaman 'pag dayuhan ka sa ibang bansa. O baka naman kabisado nya ang mga kalsadang iyun eh... dun sya nakaka pick-up ng mga 'girls-for-fun' nya? Hahaha.

Lynn Harley. Lalake sya. Hinde sya babae. Gaga! Matanda na. Pero nagtatrabaho pa. I asked him, " Hey Lynn, at what age do you plan to retire?". Nilapit nya sa mukha ko ang mukha nya. Akala ko ili-lips to lips nya ako. Kinabahan ako. Sabi nya, "Again. What did you say?". Matanda na talaga. Bingi na ang Lolo mo! Bwahahaha. "Maybe in 5 years time. Im not yet sure. I still have two daughters to send to college. That's why", medyo mahaba-haba nya sagot. Kailangan daw nya gawin yun. Para daw pag tanda nya (ngek! naniniwala pa siguro sya na teenager pa sya) alalagaan daw sya ng mga anak nya. Kasi maiisip daw ng mga anak nya na mabuting ama sya. Medyo naawa ako. Kasi dito sa aten, otomatik na na pag tanda ni Nanay at Tatay aalagaan sya ni bunso o ni kuya o ni ate.

Marami pa kaming pinag kwentuhan. Pero mostly ay not advisable to be published. Nakakatuwa na despite the fact na hate ko na 'tong job kong ito, paminsan-minsan marami din akong natutuhan. Mga bagay na hinde ko matutunan kung nasa bangko ako o call center kaya. Ok na rin 'to, at least na papractice ang english ko. In preparation sa plano ni Medz na mag work and eventually migrate sa Canada.

Wednesday, April 23, 2008

Thinking Canada Seriously

Kahapon, maaga pa lang naka log-on na sa YM nya si Medz. Bibihira pa sa patak ng ulan sa Mayo na nakaka-log si Medz sa YM 'pag nasa opisina sya. Unang dahilan, medyo bawal mag-internet sa opisina nila. Actually pede naman, it's just that nili-limit lang ng mga bosses nila ang paggamit ng internet. NAGTITIPID! Pangalawang dahilan, sa sobrang dami ng work load nya, wala na syang time para mag-YM pa. ISTORBO SA TRABAHO!

But having the idea na napaka-remote na mag-log sa YM nya si Medz 'pag na sa opisina, brought me to think na baka naman may ka-chat sya. LALAKE! Namputsa... kume-kerengkeng ang asawa ko. Huh! Lagot sya. Hwaaaaaa!

Nag-type ako. Sabi ko, "ello". She said "Hi" naman in return. Tapos may pinasa sya saken na link. Buksan ko raw. Web site ng Canadian Embassy. Nag-email daw sya ke tyo Efren nya, na resident na sa Canada. She's asking on which is the easiest and hassle free way to work and eventually migrate to Canada. Nag-aantay daw sya ng reply. Salamat naman at ganun na lang ang dahilan kaya sya naka-log sa YM. Akala ko kung ano na.

But after a few minutes, napaisip ako. Seems like Medz is serious of working and eventually migrating to Canada. Hirap na siguro sya sa kakatrabaho dito sa aten na sa wala naman napupunta. Pero may mas malaki akong problema pag nagkataon. Dahil kung ganun nga ang mangyare... hinde kaya atakehin ako ng rayuma ko dun? Malamig dun di ba? Ouch!

Tuesday, April 22, 2008

Scared of the Morning, Excited Over the Afternoon.

"Tuesday pa lang. Tagal naman ng Friday!". Hinde ko alam kung ano ang nangyare at paano nangyare? But this has been what I am feeling and saying to myself these past few months na.

Malungkot having in such state. Matutulog ka sa gabi na takot dahil alam mo kinabukasan 'pag gising mo maghahanda ka para pumasok sa iyong trabaho na hindi mo gusto. Trabaho na hinde ka nag-eenjoy. Trabaho na napakabigat para sa'yo na trabahuhin. Trabaho na lately na-realize mo... "Hinde ko na type 'to!".

Umaga pa lang kaya nabuburat na ako. Pero on the lighter side of it, thinking na ilang oras na lang eh hapon na at mag-uuwian na, nakaka-excite din pala.